Cloud seeding sa Angat Dam ikinakasa na

    331
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY—Ikinakasa na ng gobyerno ang pagsasagawa ng cloud seeding operations upang madagdagan ang paubos na tubig sa Angat Dam na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan.

    Ito ay matapos atasan ng Department of Agriculture (DA) ang National Irrigation Administration (NIA) na makipag-ugnayan sa Bureau of Soils and Water Management (BSWM), ang ahensiya ng gobyerno na nagsasagawa ng nasabing operasyon.

    Ipinahayag din ng National Water Resources Board (NWRB) na inirekomenda ng kanilang technical working group na magbayad sa gastos sa cloud seeding ay ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

    Ayon kay Dr. Redentor Gatus, direktor ng DA sa Central Luzon, noon pang isang linggo niya inatasan ang NIA at anumang araw ay maari itong masimulan.

    Gayunpaman, nilinaw niya na ang pagsasagawa ng cloud seeding ay nakadepende sa pagkakaroon ng makapal na ulap sa himpapawid.

    “The BSWM have spotters near Angat Dam, at kung may seedable clouds, they can immediately start the operations,” ani Gatus.

    Para naman sa technical working group ng NWRB, ang gastos sa cloud seeding operations ay dapat lamang sagutin ng MWSS.

    Sinabi ni Vicente Paragas, executive director ng NWRB, na inirekomenda ng technical working group (TWG) ng NWRB na dapat samantalahin ang pagkakaroon ng makapal na ulap upang makapagsagawa ng cloud seeding.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here