Tanod chief nilikida sa sabungan

    512
    0
    SHARE
    HAGONOY, Bulacan – Patay agad ang isang hepe ng barangay tanod sa bayang ito matapos likidahin ng mga hindi nakikilang suspek habang palabas ng sabungan kamakalawa ng hapon.

    Ang biktima ay nakilalang si Joel Carpio, 38, hepe ng mga tanod sa Barangay Sto. Nino sa bayang ito.

    Apat na bala ang diumano’y bumaon sa ulo ni Carpio.

    Ayon sa mga saksi, palabas ng sabungan si Carpio at mga kaibigan ng umalingawngaw ang isang putok na agad nagpabuwal sa biktima. Nasundan ito ng tatlo pang putok mula sa di matiyak na kalibre ng baril.

    Sinabi pa ng mga saksi, na tumangging ipabanggit ang pangalan, na sinalubong ng dalawa sa apat na supek si Carpio habang palabas ng sabungan kung saan siya ay nagtatrabaho kung minsan bilang “bouncer.”

    Inilarawan ng mga saksi ang suspek na unang nagpaputok na may edad sa pagitan ng 35 haggang 40 anyos, at may taas na 5’5”.

    Pagkabuwal ni Carpio, pinutukan pa ito sa ulo ng unang suspek, at sumunod ang dalawa pang putok mula sa ikalawang suspek na may edad ding 35 hanggang 40 anyos, at may taas na 5’10”.

    Ayon sa mga saksi, may dalawa pang kasama ang dalawang suspek na nagsilbing look out.

    Ang apat na suspek ay tumakas sakay ng dalawang motorbike.

    Kasalukuyan ang tinutukoy ng pulisya ang motibo sa nasabing pamamaslang.

    Samantala, nagpahayag ng pangamba ang mga residente ng bayang ito hinggil sa biglang pagtaas ng bilang ng krimen.

    Matatandaan na noon lamang Biyernes, Hunyo 25 ay isang 19 anyos na dalaga ang ginahasa, pinagnakawan at tinangka pang patayin ng isang Cafgu sa libingan sa likod ng Simbahan ng Sta. Ana sa bayang ito.

    Ayon sa ulat ng pulisya, naaresto na ang suspek sa panggagahasa na nakilalang si Carlito Tumalad, 33, ng Barangay San Pedro.

    Gayunpaman, nangangamba pa rin ang mga residente dahil sa pagkabasag ng katahimikan at kaayusan ng bayang ito. 


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here