HAGONOY, Bulacan—Buong katapatang isinauli ng isang obrero ng munisipyo ng bayang ito ang tsekeng napulot na nagkakahalaga ng P42,682 noong Martes ng hapon.
Ayon kay Herminio Florentino, 34, binata, hindi niya akalaing tseke na may malaking halaga ang kapirasong papel na kanyang napulot sa kalsada noong Martes ng hapon.
“Nagulat ako ng makita ko na pay to cash at malaki rin yung halaga,” ani Florentino na apat na taon ng nagtatrabaho bilang laborer sa munisipyo ng bayang ito kung saan ay sumusuweldo lamang siya ng halagang P5,500 kada buwan.
Sa kabila nito, agad niyang tinawagan ang may-ari ng tseke upang iyon ay ibalik.
Ang nasabing tseke ay pag-aari ni Jun Cruz, isang operator ng gasolinahan sa bayang ito at ibabayad sana sa Petron Philippines Corporation, ngunit hindi napansing nahulog iyon mula sa kanyang folder.
Agad naman naibalik ang nasabing tseke, at abot-abot ang naging pasasalamat ng may ari nito.
“Nakunsensya ko kaya isinauli ko agad,” ani Florentino na ng padalhan ng text message ng Punto kahapon ay sumagot gamit ang cellular phone ng kasama sa trabaho upang ipahatid ang mensaheng “pasensiya na po, wala kong load, naki-text lang.”
Sinabi niya na pagsasauli niya ng tseke ay “nagpapatunay na hindi lahat ng mga nasa gobyerno ay bulok.”
Ang katapatan ni Florentino ay ikinagalak ng kanyang mga kasama sa trabaho tulad ni Nemie Sabino.
Gayunpaman, hindi pa tiyak kung kailan mabibigyan ng komendasyon ng pamahalaang bayan si Florentino dahil nasa ibayong dagat pa ang muling nahalal na si Mayor Angel Cruz na diumano’y nagpapagamot.
Si Florentino ay bread winner ng kanyang pamilya na rumerenta lamang ng bahay sa Sitio Wawa 3 sa Barangay San Sebastian ng bayang ito.
Siya ay kasapi rin ng Senaculista Matiyaga ng San Sebastian kung saan siya ay gumaganap bilang “bad boy” na si Cain sa pagtatanghal ng senakulo kung Semana Santa.
Ngunit ayon kay Florentino, ang kanyang pagiging “bad boy” ay hanggang sa tanghalan lamang; at sa tunay na buhay ay kanyang isinasabuhay ang magagandang aral ng kanyang mga magulang.