HAGONOY, Bulacan – Kanya-kanya nang diskarte ang mga kandidato sa kampanya ngayon upang makilala at matandaan sila ng mga botante.
Ngunit sa bayang ito, mas kakaiba ang gamit ng mga kandidato sa kampanya.
Sa halip na malalaking sasakyan tulad ng jeep at mga sports utility vehicle ay tricycle ang kanilang gamit.
Dahil dito, sinasabing mas sikat kaysa “Jeep Ni Erap” at “Jet ni Gibo” ang “Tricycle ni Mayor” sa bayang ito.
Kumpara sa “Jeep ni Erap,” at “Jet ni Gibo,” ang “tricycle ni Mayor” ay literal na ginagamit at minamaneho ng kandidato sa kanilang pangangampanya sa bayang ito.
Unang ginamit ni Konsehal Pedro Santos ng bayang ito ang paggamit ng tricycle noong unang bahagi ng dekada 90.
Si Santos ay kasalukuyang kandidato ng Lakas-Kampi-CMD sa bayan ng Hagonoy bilang alkalde.
Siya ay isang dating pangulo ng Sangguniang Kabataan na nahalal na kapitan ng barangay, hanggang sa mahalal na konsehal ng bayan noong 2001.
Noong 2007, kumandidato siya bilang independyenteng konsehal gamit ang kanyang tricycle sa pangangampanya. Dahil dito ay nahala siya bilang numero unong konsehal ng bayan matapos magtamo ng pinakamaraming boto.
Sa bawat pangangampanya ni Santos bilang konsehal ay gamit niya ang kanyang tricycle, kasama ang kanyang anak na siyang nag-aabot ng mga polyeto sa mga botante.
Ang kalagayang ito ay nasaksihan pa ng Punto sa kampanya noong 2007.
“Mas matipid ito kaysa jeep, mas madali pang ipasok sa makikipot na kalsada,” ani Santos.
Ang paggamit ni Santos ng tricycle sa kampanya ay hindi nakalusot sa pansin ng ibang pulitiko sa bayang ito.
Kabilang sa kanila ay si incumbent Mayor Angel Cruz na ang ginagamit na opisyal na sasakyan ay isang tricycle sa halip na malalaking sasakayan katuladd ng sports utility vehicle (SUV) na karaniwang gamit ng iba pang alkalde sa lalawigan.
Sa naunang panayam ng Punto kay Cruz, sinabi niya na pinondohan ng pamahalaang bayan ang pagbili niya ng opisyal na sasakyan, ngunit ang kanyang binili ay isang tricycle, sa halip na SUV.
Sinabi ni Cruz na mas malaki ang natitipid niya sa gasolina sa pagamit ng tricycle kapag siya ay bumibisita sa kanyang mga kababayan.
Dahil naman sa pagiging matipid sa gasolina ng mga tricycle, maging ang ibang kandidato sa bayang ito ay umarkila na rin ng tricycle para magamit sa kampanya.
Ngunit karaniwan sa kanila ay may sakay lamang na maingay na sound system na ang pinatutugtog ng paulit-ulit ay ang campaign jingle ng mga kandidato lalo kapag nagsasagawa ang mga ito ng kampanya sa bawat bahay.
Gayunpaman, hindi naman ikinatuwa ng ilang residente sa bayang ito ang pagiging maingay ng mga tricycle na gamit ng ibang kandidato sa kampanya.
Ito ay dahil sa kahit gabi na ay umiikot pa ang ilan sa mga ito at nakabubulahaw sa mga residente na nakikinig o nanonood ng balita sa telebisyon kung gabi.
Sinabi ng mga residente na dapat ding igalang ng mga kandidato ang kanilang katahimikan kung gabi sa pamamagitan ng pagpapatigil sa mga inarkila nilang tricycle na may maingay na sound system.