BALIUAG, Bulacan—Isang reality show ang pinaplanong isagawa sa natutuyong Angat Dam na naglalayong mapukaw ang pansin ng mga kandidato at mamamayan para sa pangangalaga sa kalikasan at pagtitipid sa tubig.
Sa kasalukuyan, halos isang metro na lamang ang nalalabi sa kritikal na 180 meters ang water elevation sa Angat Dam na ayon sa mga opisyal ay tinatatayang sasayad matapos ang Semana Santa.
Ayon kat Martin Francisco, tagapangulo ng Sagip Sierra Madre Environmental Society (SSMES), mula noong Marso 25 ay nagsimula na ang negosasyon ng Greenpeace at mga opisyal ng National Power Corporation (Napocor) para sa isang reality show sa telebisyon na ang nakakahalintulad ay ang Pinoy Big Brother.
Ngunit ang pagkakaiba nito ay sa kabundukan mananatili sa loob ng tatlong linggo ang mga lalahok na environmentalist, samantalang sa Pinoy Big Brother na inilalabas ng ABS-CBN 2 network, ay nasa loob ng bahay at isang bakuran ang mga kalahok.
Ang Greenpeace ay isang pandaigdigang samahan ng mga environmentalist o nagmamahal sa kalikasan, samantalang ang Napocor ay ang namamahala sa Angat Dam Watershed kung saan nagmumula ang 97 porsyentong tubig inumin ng kalakhang Maynila.
Sa panayam kay Francisco, sinabi niya na nailatag na ng Greenpeace sa mga opisyal ng Napocor ang plano at naghihintay na lamang ng pinal na desisyon.
“Final decision na lang ang hinihintay ng Greenpeace,” ani Francisco na nagkipag-ugnayan sa nasabing grupo upang higit na mabigyang pansin ang panngangalaga sa Angat watershed.
Sinabi niya na tinatayang mahigit sa 40 environmentalist ang lalahok sa isasagawang reality show na hanggang ngayon ay hindi inihahayag ang titulo o pangalan ng nasabing palabas.
Ang mga kalahok ay mananatili ng tatlong linggo sa mga itatayong campsite o kampo sa loob ng watershed at mga kalapit na lugar tulad ng Sitio Manalo at Sitio Pinag-anakan sa bulubunduking bayan ng Donya Remedios Trinidad; Sitio Ipo sa Norzagaray ; Sitio Balagbag at Sitio Ilas sa Lungsod ng San Jose Del Monte; at Bustos Dam namatatagpuan sa ibaba ng may 50-kilometrong Ilog Angat sa pagitan ng mga bayan ng Bustos at San Rafael.
Ayon kay Francisco, habang nasa campsite ang mga kalahok, sila ay kukunan ng video camera maging ang kanilang kapaligiran.
Ang mga video footages na nakuha sa kanila sa loobng bawat araw ay ihahatid sa mga istasyon ng telebisyon at internet sa pamamagitan ng mga satellite kung saan nakaugnay ang mga kamera.
“Umaasa kami na matutupad ang layuning mapukaw ang pansin ng mga tao maging ang mga kandidato sa nasabing palabas upang maunawaan nila ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan partikular na ang Angat Dam na nag-iisang pinagkukunan ng tubig ng kalakhang Maynila sa ngayon,” ani Francisco.
Habang ipinakikita ni Francisco ang mga larawan ng kalbong bahagi ng watershed at mga taong nagbuhat ng mga pinutol na kahoy, sinabi niya na umaasa sila na magiging bahagi ng agenda sa kampanya ng mga lokal at nasyunal na kandidato ang pangangalaga sa kalikasan.
Ang mga nasabing larawan na ipinakita ni Francisco ay nakunan sa ikatlong linggo ng Marso sa loob ng Angat watershed.
Kabilang sa mga larawang kanyang ipinakita ay ang mga larawan ng tuyong bahagi ng Angat Dam.
Batay naman sa tala ng Provincial Disaster Management Office, bumaba sa 181.15 meters ang water elevation sa Angat Dam noong umaga ng Abril 6.
Ito ay higit na mas mababa sa nakitalang 182.45 meters noong Lunes, Marso 29.
Ayon kay Inhinyero Rodolfo German ng Angat River Hydro Electric Power Plant (Arhepp), bumababa ng isang metro tuwing ikatlong araw ang tubig sa dam.
Ito ay nangangahulugan na maaaring sumayad kritikal na 180meters ang tubig sa dam sa pagtatapos ng Semana Santa sa Linggong ito.
Ayon pa kay Francisco, sinabi sa kanya ng mga opisyal ng Napocor na kailangan ang tatlong bagyo na kasing lakas ng Ondoy na nagpabaha sa Bulacan noong Setyembre, upang muling mapuno ng tubig ang dam.