MALOLOS—Buhay pa ng diwa ng bayanihan sa Bulacan at ito ay patuloy na nagbubunga.
Ito ang buod ng pahayag ng mg opisyal ng San Pablo Multi-purpose Cooperative Inc., (SPMCI) na matatagpuan sa Brgy. San Pablo ng lungsod na ito hinggil sa patuloy na pag-unlad ng kanilang kooperatiba.
Isang halimbawa ng bunga ng bayanihan ng mga kasapi ng SPMCI ay ang nakatakdang pagbubukas ng Gerry’s Grill, isang sikat na restoran sa bansa kung saan ay kumuha ng franchise o prangkisa ang nasabing kooperatiba bilang bahagi ng pagnenegosyo.
Ang Gerry’s Grill ng SMPCI matatagpuan sa Graceland Commercial Complex sa harap ng Bulacan State University (BulSU) sa lungsod na ito, at nakatakdang pasinayaan ngayong araw, Pebrero 5 o eksaktong dalawang linggo bago ipagdiwang ng kooperatiba ang ika-18 taong pagkakatatag.
Ayon kay Malou Bartolome, general manager ng SMPCI, umaabot na sa 42 ang mga sangay ng Gerry’s Grill sa bansa, at ang kanilang prangkisang bubuksan ay ikalawang sangay nito sa Bulacan.
Ang Gerry’s Grill ay isang sikat na restoran na ang ipinagmamalaking lutuin ay inihaw na pusit, inihaw na blue marlin, at sariling bersiyon ng sisig, isang pagkain na unang nakilala at sumikat mula sa gilid ng riles ng tren sa Lungsod ng Angeles sa Pampanga.
Ipinagmalaki naman ni Eduardo Camua, vice chairman ng SPMCI, na ang SPMCI ang kauna-unahang kooperatiba sa Bulacan na pumasok at namuhunan sa pagkuha ng prangkisa ng isang sikat restoran.
Binigyang diin niya na ang karaniwang negosyong pinapasok ng mga kooperatiba sa Bulacan ay lending o pagpapautang.
Ngunit ang negosyong ito ay direktang nakakumpitensya ng mga bangko na may higit na puhunan at pananalapi.
“Gusto naming ipakita na may iba pang negosyong maaring pasukin ang mga kooperatiba, at bigyang diin na buhay ang diwa at namumunga ang bayanihan sa Bulacan,” ani Camua.
Sinabi niya na ang pagpasok ng SPMCI sa negosyo ng prangkisa ay maaring magsilbing daan para sa iba pang kooperatiba na magbukas ng katulad na negosyo sa Bulacan.
“Mas uunlad ang mga kooperatiba at ang Bulacan dahil mas dadami ang oportunidad sa trabaho,” ani Camua.
Iginiit niya na ang nakakahalintulad ng pagnenegosyo ng mga kooperatiba ay ang mga magkakapitbahay na pinagsama-sama ang pera at bumbuo ng sariling negosyo.
“That’s the way it should be, kasi sa ibang bansa, yung mga kooperatiba ang nagenenegosyo at nagtatayo ng mga bangko,” ani Camua.
Halos ganito rin ang pinagsimulan ng SPMCI, ayon kay Camua.
Ikinuwento niya na noong Pebrero 19, 1992 ay nagsama-sama ang 20 magsasaka sa Brgy. San Pablo at itinatag ang SPMCI matapos maipon ang puhunang nagkakahalaga lamang ng P15,000.
Sa kasalukuyan, ang puhunan at ari-arian ng SPMCI ay umaabot na sa mahigit P63-M, at ang bilang ng mga kasapi ay umaabot na sa 1,444.
“It’s a long journey, but it is a fruitful one,” ani Camua at binanggit ang mga hamon na pinagdaan ng SPMCI sa mga unang taon ng pagkakatatatg nito.
Kabilang sa mga hamon na iyon ay ang pangangalaga sa pananalapi ng kooperatiba.
Ayon kay Camua, krusyal ang pangangalaga o accounting at auditing ng pananalapi ng kooperatiba dahil iyon ay nangangahulugan ng integridad ng kooperatiba.
At ang nasabing integridad ay lubhang kailangan naman upang para sa tiwala hindi lamang ng mga kasapi nito, kungdi maging ng pamayananan kung saan ito naglilingkod.
Sa nagdaang limang taon, naging mabilis din ang pag-unlad ng SPMCI at ito ay nagbukas ng mga sangay sa ibang bahagi ng lalawigan, lumago ang puhunan at ari-arian.
Nagbukas din ng isang proyektong pabahay ang SPMCI para sa kanilang mga kasapi na hinuhulugan ng buwan-buwan.