LUNGSOD NG MALOLOS – Katulad sa mga nagdaang halalan, masigla ang industriya ng paggawa ng tarpaulin poster sa Bulacan.
Ito ay dahil patuloy ang pagdami ng mga kandidato sa halalan na nagpapagawa ng tarpaulin poster sapagkat mas matibay ito at nagagamitan ng mas maraming kulay kumpara sa ibang materyal katulad ng katsa.
Ang tarpaulin ay isang uri ng malambot na plastic na sinimulang gamitin sa mga poster sa Bulacan noong 2000, samantalang ang katsa ay isang uri ng tela na itinuturing na pinakapopular na materyal sa paggawa ng mga streamers bago dumating ang tarpaulin.
Ayon kay Nards Gomez, ang may ari ng AdSystem, isang kumpanyang nakabase sa lungsod na ito na gumagawa ng mga signages o karatula, sinimulan nilang ipakilala sa Bulacan ang paggamit ng tarpaulin noong 2000, o isang taon bago isagawa ang halalan noong 2001.
“Marami ang naingganyong gumamit ng tarpaulin noong 2001 kahit medyo mahal pa ang presyo noon, dahil sa mas matibay at full color yung graphics kapag inimprenta sa tarpaulin,” ani Gomez ang itinuturing na “Tarpaulin King” sa Bulacan.
Mas higit pang dumami ang mga kandidatong gumamit ng tarpaulin para sa kanilang campaign posters sa mga halalan sumunod katulad noong 2002 kung kailan isinagawa ang halalang pambarangay; noong 2004 at 2007.
Dahil dito, dumami rin ang mga kumpanyang gumagawa ng tarpauling poster sa Bulacan kaya’t patuloy na bumaba ang presyo nito.
Ngunit sa kabila nito, nanatili pa rin ang AdSystem sa pangunguna sa paggawa ng tarpaulin poster ng mga kandidato sa lalawigan.
“Tambak ang trabaho at order sa amin ngayon dahil nalalapit na ang halalan,” ani Gomez.
Sinabi niya na isa sa mga dahilan kung bakit patuloy ang pagdami ng nagpapagawa sa kanila sa kabila ng paglitaw ng iba pang kumpanyang gumagawa ng tarapaulin ay dahil sa “kami ang nauna at may tiwala yung mga tao sa kalidad ng aming trabaho.”
Iginiit pa ni Gomez na bentahe din nila ang pagiging pintor niya at kaalaman sa paggawa ng mga disensyo. Si Gomez ay isa sa mga premyadong pintor sa Bulacan.
Dahil sa patuloy na pagtangkilik sa kanila ng mga kostumer, sinabi ni Gomez na nagdagdag pa sila ng serbisyo sa taong ito.
“Pati pagkakabit o installation ng poster sa mga strategic places sa Bulacan ay ginagawa na namin,” aniya.
Sinabi ni Gomez na nagkaroon siya ng ideya sa pagkakabit ng mga poster ng kontratahin siya ng isang panaderya sa lungsod na ito na ikabit ang mga poster na ipinagawa sa kanila.
Dahil sa bagong serbisyong ito, nagdagdag ng mga manggagawa si Gomez upang magkabit ng mga poster na kanilang ginagawa batay sa hiling ng kanilang mga kostumer.
Sinabi niya na malaking tulong sa mga Bulakenyo ang panibagong serbisyo ng AdSystem dahil sa nakalikha ito ng panibagong trabaho.