MALOLOS—Ang walang pakundangang pag-atake sa malayang pamamahayag sa bansa na tinampukan ng makahayop na pamamaslang sa 30 mamamahayag sa Maguindanao noong Nobyembre 23 at gumulantang sa buong mundo ang nanguna sa 10 napiling pangunahing balita ng pahayagang Mabuhay sa taong 2009.
Ang Mabuhay ay isang lingguhang pampamayanang pahayagang nakabase sa Bulacan na walang patid na inilalathala linggo-linggo mula noong Enero 20, 1980.
Ayon sa Mabuhay, ang siyam pang pangunahing balita sa Bulacan sa nagdaang taon ay ang sumusunod:
2. Hagupit ng kalamidad na tinampukan ng bagyong Ondoy na nananalasa sa Bulacan,
3. Pag-abuso sa kalikasan at kapaligiran,
4. Halalan o ang paghahanda sa makasaysayang 2010 automated elections,
5. Tunggalian sa pulitika na tinampukan ng protesta ni dating Gob. Roberto Pagdanganan laban ay Gob. Joselito Mendoza.
6. Krisis sa ekono-miya na nag-ugat sa pagbagsak ng financial market sa bansang Amerika,
7. Banta sa kalusugan sanhi ng ebola reston virus, Influenza A H1N1, at bird flu,
8. Kaayusan at kapayapaan
9. Pagpupunyagi sa katapatan ng mga Bulakenyo, at
10. Pagpapaunlad sa kalinangan, sining at kultura ng Bulacan.
Ang pagpili ng 10 pangunahing balita ng taon ay isinasagawa ng Mabuhay bawat taon kung kailan ang mga patnugot, kolumnista at mamamahayag nito ay nagpupulong at nagbobotohan.
Ang pagkapili sa mga banta sa pamamahayag bilang pangunahing balita ng tao dahil sa ang pamamaslang sa mamamahayag ay isang direktang pag-atake sa naghihingalong demokrasya sa bansa kung saan ay namamayani ang culture of impunity o ang kawalan ng napaparusahan sa mga brutal na pamamaslang, ayon sa Mabuhay.
Sinabi rin ng Mabuhay na “hindi lamang sa hanay ng mga mamamahayag, kung hindi maging sa mga militante at iba pang taong nagpapahayag ng saloobin at katotohanan” ang mga nagiging biktima ng pamamaslang sa bansa.
Ang pamamaslang sa Maguindanao ay naging susi ng pagpapatupad ng batas militar doon sa loob ng isang linggo; muling nag-iwan ng dungis sa imahen ng Pilipinas bilang pinakamarahas na bansa para sa mamamahayag sa buong mundo; at naging mitsa ng pagkondena at pagkabahala ng mga mamamahayag sa loob at labas ng bansa dahil ito ang naging sanhi ng pagkatala ng pinakamataas na bilang ng mga pinaslang na mamamahayag sa kasaysayan.