MEYCAUAYAN CITY, Bulacan—Pinaghahanap ngayon ng pulisya ng bayang ito ang isang tumangay ng mga salapi at mahalagang gamit mula sa mga kaanak na nagbabantay sa mga pasyente sa Sta. Clara de Montefalco Hospital kamakailan.
Kabilang sa mga biktima ay nakilalang sina Elena Servas, 21; at Ma. Teresa Banzuela, kapwa ng Barangay Malhacan, Meycauayan.
Umabot sa mahigit na P21,000 ang halaga ng natangay sa dalawang biktima ng isang supek na lalaki na pumasok sa ospital bandang ika-4 ng madaling araw noong Miyerkoles.
Ayon kay Servas, binabantayan niya ang kanyang anak na maysakit sa loob ng nasabing ospital nang magising siya bandang ika-4:30 ng madaling araw at napansing nawawala ang kanyang pitaka na naglalaman ng salaping pampagamot sa anak.
Sa kabilang kuwatro ng ospital ay nagising din si Banzuela at natuklasang nawawala ang kanyang handbag.
Agad silang nagtungo sa nurse’s station at natuklasan na isang lalaking naka-jacket ng berde at may dalang bag na kulay brown ang nagmamadaling dumaan doon ilang minuto ang nakalipas.
Ayon sa dalawang guwardiya ng ospital, wala naman silang nakitang ibang tao na pumasok at lumabas sa ospital, ngunit ayon kay Servas, natutulog ang mga guwardiya nang inuulat nila ang insidente.