Home Headlines Driver sa hit-and-run binawian ng lisensiya

Driver sa hit-and-run binawian ng lisensiya

406
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN CITY — Binawi ng Land Transportation Office ang lisensiya ng driver ng SUV na sangkot sa isang hit-and-run incident sa Kalikid Highway dito kamakailan.

Sa isang pahayag nitong Nov. 4, sinabi ng LTO na bagama’t hindi nakarating ang hindi pinangalanang respondent sa itinakdang pagdinig noong Oct. 27, ay nagsumite naman ito ng paliwanag sa pamamagitan ng email noong Oct. 26.

Sa show cause order laban sa rehistradong may-ari ng sasakyan, isang itim na Fortuner, at ang itinalagang driver nito ay inatasang humarap sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Division ng LTO Central Office at magsumite ng sinumpaang komento o paliwanag kaugnay ng insidente. 

Anim na indibidwal, kabilang ang isang 4-na-taong gulang na bata, ang iniulat na nasaktan nang umano’y mabangga ng SUV ang tricycle na sinasakyan ng mga ito pauwi ng Barangay Camp Tinio, Cabanatuan City bandang 10 p.m. noong Oct. 18.

Hindi umano huminto ang SUV subalit nakuha ng mga biktima ang license plate number nito at agad nag-viral ang kanilang panawagan sa social media.

“Matapos ang masusing pagsusuri sa mga nakalap na ebidensya at pagsasagawa ng kaukulang proseso, naglabas ng resolusyon ang LTO na nagresulta sa pagbawi sa driver’s license ng drayber ng isang SUV na sangkot sa insidente ng hit-and-run sa kahabaan ng Kalikid Highway noong Oktubre 18, 2026,” pahayag ng LTO.

Ipinataw ang parusang revocation ng lisensya sa loob ng dalawang taon. Samantala, nananatiling naka-alarma ang naturang sasakyan.

Bukod sa ilang indibidwal na nasaktan ay nagdulot din ng pinsala sa ari-arian ang insidente, paliwanag ng ahensiya.

“Sa isinagawang pagsusuri sa kaso at mga nakalap na ebidensya, napag-alamang may sapat na batayan upang papanagutin ang drayber sa mga paglabag na Reckless Driving, Duty of the Driver in Case of Accident, at Improper Person to Operate a Motor Vehicle,” dagdag pa ng LTO.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here