CALAMBA, Laguna—Hindi man matuloy ang auto-mated elections sa susu-nod na taon ay nakahanda umano ang Commission on Elections (Comelec), ayon sa isang mataas na opisyal nito.
Nilinaw ni Commissioner Armando Velasco na bukod sa automated elections ay naghahanda rin sila sa posibilidad ng pagsasagawa ng halalan sa lumang paraan o ang tinatawag na manual elections.
Ito ay dahil na rin hindi pa inilalabas ng Korte Suprema ang desiyon nito sa petisyong inihain ni Atty. Harry Roque na humihiling na pigilan ang pagsasagawa ng automated elections sa susunod na taon.
Gayumpaman, sinabi ni Velasco na umaasa sila na magiging pabor sa Comelec ang desisyon ng Korte Suprema na posibleng ilabas anumang araw sa linggong ito o sa susunod na linggo.
“Manual or automated, it can be done and we are ready,” ani Velasco sa Punto ng siya ay tanungin matapos ang kanyang presentasyon sa isang workshop na may titulong “Covering Automated Elections and Campaign Finance.” Ito ay isinagawa sa Makiling Highlands resort sa lungsod na ito noong Agosto 26 hanggang 29.
Ang nasabing workshop na dinaluhan ng mga piling mamamahayag mula sa Central Luzon, Metro Manila, Southern Tagalog at Bicol Region ay inorganisa ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) sa pakikipagtulungan ng International Foundation for Election System (IFES) at ng United States Agency for International Development (USAID).
Ang susunod na leg ng nasabing workshop na naglalayong ihanda ang mga mamamahayag sa pag-uulat sa darating na halalan ay isasagawa sa Subic Bay Freeport sa Olongapo City simula Setyembre 9.
Sa pakikipanayam ng Punto kay Velasco, tiniyak niyang matutuloy ang halalan sa susunod na taon, gayunpaman, hindi niya matiyak kung iyon ay magiging automated katulad ng isinasaad ng batas o magbabalik sa makalumang paraan kung saan ay tumatagal ng halos isang buwan ang pagbilang sa mga balota.
Ayon sa Commissioner, sa kabila ng petisyong inihain ni Roque sa Korte Superma, patuloy pa rin ang kanilang paghahanda. Gayunpaman, hindi sila makapagpalabas ng pondo na gagamitin ng Smartmatic-TIM para sa pagpapagawa ng maraming precinct count optical scanner (PCOS) machine.
“Election automation is a law and we are mandated to implement it, but petition filed before the Supreme Court prevent us to release funds needed by the company who bagged the automation contract,” aniya.
Hinggil naman sa dayaan sa halalan, sinabi niya na hindi nawawala ang posibilidad nito at iginiit na “there is no fool proof system and some people will always try to outsmart it.”
Upang maiwasan ang dayaan sa halalan, nanawagan siya sa publiko na makipagtulungan para sa isang tapat at malinis na halalan.
“Lets work hard at pagtiwalaan nating yung system lalo na ngayon, we are adopting new technology,” ani Velasco.
Sinabi pa niya malaki ang papel na gagampanan ng mga mamamahayag sa paghahatid ng kaalaman sa mga botante hinggil sa susunod na halalan.
Inayunan naman ito ni Malou Mangahas, ang executive director of the PCIJ na nagsabing maaaring maging sanhi ng pagkadismaya ng mga botante ang kakulangan ng sapat na impormasyon hinggil sa halalan at kung paano gagamitin ang mga PCOS machine.
Binigyang diin niya na sa kasalukuyan ay mayroon 220,000 voting centers sa bansa na iipunin bilang clustered precincts.
Batay sa impormasyon mula sa Comelec, yung 220,000 voting centers ay magiging 80,000 cluster precints kung saan ilalagay ang PCOS machine,” ani Mangahas na ang pamilya ay nagmula sa Hagonoy, Bulacan at Nueva Ecija.
Sinabi ni Mangahas na ang pagtitipon ng mga voting centers sa mga clustered precinct ay nangangahulugan na mas dadami ang botante sa bawat clustered precinct.
Ang isang regular na presinto ay may 200 botante, at kung ito ay magiging clustered precinct ay aabot sa 1,000 ang botante doon.
Ang pagbuo ng clustered precincts at kaugnay ng paglalagay ng mga PCOS machine doon na kayang bumilang ng 1,000 boto.
“We have to address this issue and explain it to the people that they might get irritated when it took them a while to cast their votes next year because there will be more people using one PCOS machine,” ani Mangahas na nagsilbing patnugot ng Manila Times bago iyon isara sanhi ng pagbatikos kay dating pangulong Joseph Estrada na natanggal sa puwesto, inaresto, nahatulang makulong, pinatawad at ngayon ay muli daw tatakabo sa pagka-pangulo.