2 opisyal ng pulisya kinondena ng NUJP-Bulacan

    593
    0
    SHARE

    MALOLOS CITY—Kinondena ng mga mamamahayag sa Bulacan ang dalawang mataas na opisyal ng pulisya dahil sa tangkang pagpapatahimik sa isang mamamahayag na nag-ulat hinggil sa operasyon ng video karera sa lalawigan.

    Sa dalawang pahinang pahayag, kinondena ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Bulacan chapter sina Sr Supt. Diosdado Ramos, OIC provincial police director ng Bulacan, at Supt. Emma Libunao, hepe ng pulisya ng lungsod na ito, dahil sa kanilang akusasyon laban kay Rommel Ramos, isang news stringer ng GMA 7.

    "The National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) Bulacan chapter condemns the actions of Bulacan OIC police director Senior Supt. Diosdado Ramos and Supt. Emma Libunao for assassinating the character of Rommel Ramos with baseless, unverified and invalid accusations as a way of silencing him," pahayag ng NUJP.

    Batay sa pagsasaliksik ng NUJP-Bulacan, nagalit sina Sr. Supt. Ramos at Libunao kay Rommel mula ng kanyang iulat ang isinagawang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa lungsod na ito noong Hunyo 9 na naging dahilan upang makumpiska ang apat na video karera machines at maaresto ang tatlo katao.

    Ang ulat ni Rommel ay lumabas noong Hunyo 10 sa GMA 7, at mula noon ay umani siya ng akusasyon sa dalawang pulis.

    Ayon kay Jeffrey Gomez ng CLTV 36 sa Pampanga, ipinakita sa kanya ni Senio Supt. Ramos ang galit kay Rommel ng minsan silang magkausap sa Kampo Olivas.

    Sa kanyang liham sa NUJP-Bulacan, sinabi ni Gomez na nabanggit lamang niya kay Sr. Supt. Ramos ang pangalan ni Rommel ngunit tinugon agad ito ng mga salitang, "ah, si Rommel dalawang araw pa lang ako ay binanatan na niya ako."

    Bago matapos ang kanilang pag-uusap, sinabi ni Gomez na tinawag pa ni Senior Supt. Ramos si Supt. Baltazar Mamaril, spokesperson ng Central Luzon police office, at ipinarinig ang akusasyon kay Rommel na, "may video karera si Rommel."

    Pinasinungalingan naman ni Mamaril kay Gomez ang akusasyon ni Senior Supt. Ramos laban kay Rommel.

    Sa isa pang pagkakataon, inakusahan din ng isang mataas na opisyal ng pulis sa lalawigan si Rommel sa harap ng mga kasapi ng Bulacan Information Officers League na diumano’y nasa likod ng pagbabalik ng operasyon ng video karera sa lalawigan.

    Para sa NUJP-Bulacan chapter, malinaw ang pattern na ginagawa nina Sr. Supt. Ramos at Libunao.

    "They want to silence Rommel Ramos who came up with news report on illegal gambling in Bulacan by accusing him that he is on the take as well," pahayag ng NUJP.

    Binigyang diin pa ng NUJP-Bulacan na, "this is a dangerous precedent, totally unbecoming of a senior police officer, an outrage to the ranks of professional lawmen, and an affront to press freedom," noting that Senior Supt. Ramos and Supt. Libunao’s actions and statements are outrageous and outright disgraceful to their rank.

    Iginiit pa nila na, "if indeed, Rommel is behind video karera operations in Bulacan why can’t they stop it, much less confiscate the video karera machines, instead of threading gossip and lies."

     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here