Getting away with murder

    374
    0
    SHARE
    Hindi pa rin malinaw sa mga kagawad ng pulisya at sa National Bureau of Investigation (NBI) na nag-iimbistiga sa pagkamatay ni Trinidad Etong na asawa ng broadcaster na si Ted Failon Etong kung parricide o suicide ang nasabing insidente.

    Pero ang malinaw, umani ng batikos ang pulisya sa ginawang pag-aresto sa mga kaanak ni Failon habang nagdadalamhati. Abangan natin ang susunod na kabanata.



    Getting away with murder. Ito ang titulo ng ulat na ipinalabas ng Committee to Protect Journalists nitong nakaraang buwan hinggil sa mga insidente ng pamamaslang sa mga mamamahayag sa ibat-ibang panig ng mundo.

    Ayon sa nasabing ulat, “journalists are killed regularly and governments failed to solve the crimes.”



    Kabilang sa listahan ay ang 14 bansang may naitalang lima o higit pang insidente ng pamamasalang sa mamamahayag.

    Ang mga bansang ito ayon sa pagkakasunod ay ang Iraq, Sierra Leone, Somalia, Sri Lanka, Colombia, Philippines, Afghanistan, Nepal, Russia, Pakistan, Mexico, Bangladesh, Brazil, at India.



    Mapapansin na nanguna sa listahan ang Iraq at Sierra Leone, mga bansang nasa ilalim ng digmaan.

    Ngunit higit na kapansin-pansin na karamihan sa mga bansang nasa listahan ay nasa ilalim ng ‘peace time democracies” na may nga umiiral na law enforcement units tulad ng Russia at Pilipinas.



    Dahil nasa ilalim ng peace time democracy and Pilipinas, karaniwan sa mga pinaslang na mamamahayag ay hindi namatay sa tinatawag na cross fire.

    Karaniwan sa kanila ay target ng mga bayarang mamamatay tao.



    Ayon sa ulat ng CPJ, karaniwan sa mga mamamahayag na pinaslang sa kanilang listahan ay ang mga mamamahayag na nagko-cover sa mga sensitibong usapin tulad ng krimen, corruption, at national security.

    Marami talagang tao ang nais iatago sa dilim ng kawalang kaalaman ang kanilang ginawang kababalaghan.



    Congratulations nga pala sa Punto Central Luzon at pahayagang Mabuhay sa kanilang pagkabilang sa 13 finalists sa taunang Community Press Awards ng Philippine Press Institute(PPI) na isasagawa sa Martes, Abril 28 sa Diamond Hotel sa Maynila. Sana manalo!
    Ikinararangal ko na maging bahagi ng dalawang pahayagan.



    Bago ang taunang parangal, pangungunahan ng PPI sa Lunes ang taunang National Press Forum kung saan ay ang halalan sa 2010 ang tampok na tatalakayin.

    Magkakaroon ng talakayan hinggil sa mga posibleng epekto ng global financial crisis sa halalan sa 2010. Matuloy kaya ang halalan?



    Habang isinasagawa naman ng tatlong araw na pagtitipon ng mga kasapi ng PPI sa Diamond Hotel, pangungunahan naman ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry (BCCI) ang 2nd Bulacan Business Conference (BBC-2) sa Abril 27 hanggang 28 sa Malolos.

    Ang temang tatalakayin sa BBC-2 ay kung paanong makakabangon sa krisis ang mga negosyo? Paano nga ba?



    Kasunod naman nito ay ang ikalawang sunod na taong pagdiriwang ng World Press Freedom Day sa Pambansang Dambana ni Gat Marcelo H. Del Pilar sa Brgy. San Nicolas, Bulakan, Bulacan sa Linggo, Mayo 3.

    Kasabay ito ng labang Paquiao-Hatton. Ngunit nagdesisyon ang pamunuan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na ituloy ang paggunita sa World Press Freedom Day sa Mayo 3. Minsan lang ito sa loob ng isang taon.



    Besides, manalo o matalo si Pacquiao, patuloy pa rina ng pagtaas ng bilang ng pamamaslang sa mga mamamahayag, bukod pa sa patuloy ang ibat-ibang banta tulad ng panukalang right if reply.

    Ang lahat ng mamamahayag at maging sinuman na nagmamahal sa diwa ng malayang pamamahayag ay inaanyayahang dumalo sa nasabing pagdiriwang. Magdala na rin kayo ng meryenda ha, dahil alas-8 ng umaga ang simula.



    Tama, alas-8 hanggang alas-9:30 lamang ng umaga ang palatuntunan para sa World Press Freedom Day. Makakapanood pa rin kayo ng labang Paquiao-Hatton. Kaso walang pay-per view sa Dambana ni Plaridel, dun sa kapitabahay meron.

    Magkita-kita tayo doon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here