Under the cloak of judicial process

    446
    0
    SHARE
    Makabuluhan ang mga naging pahayag  ni CHR [Commission on Human Rights]  Chairperson Leila De Lima sa isinagawang Human Rights reporting workshop sa Cebu noong Pebrero 12 hangang 15, ng sabihin niya na paiimbestigahan niya ang walang habas na pamamaslang sa mga mamamahayag.

    Sure, kakampi siya ng mga mamamahayag.  Pero doon lang sa mga sumusunod sa batas at ethical and responsible reporting.



    Sabi ni De Lima, “killing of journalists remain unabated and are mostly work related.”

    Hindi excuse diyan ang Central Luzon, dahil mula 2003 ay may pinaslang na mamamahayag sa mga lalawigan ng Pampanga, Tarlac, Bataan, Aurora, at Nueva Ecija.



    Batay sa tala ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), umabot na sa 77 mamamahayag ang pinaslang ng may kaugnayan sa kanilang trabaho mula noong 1986 kung kailan nagbalik ang demokrasya sa bansa, kabilang sa nasabing bilang anim na mamamahayag na ang pinaslang noong nakaraang taon.

    Kailan kaya matitigil ang pamamaslang na ito at kailan magkakaroon ng hustisya?



    Bukod sa pamamaslang sa mga mamamahayag, naalarma din si De Lima sa pamamaslang sa mga aktibista at pagbabagong anyo ng pagpapatahimik sa mga ito.

    Batay sa tala ng CHR, umabot sa 151 kaso ng extra-legal killings (ELK) na may 197 biktima ang kanilang naitala mula 2007 hangggang 2008.



    Ang higit daw nakababahala ay ang pagbabagong anyo ng pamamaraan ng pagpapatahimik sa mga aktibista.

    “Dati ay pinapaslang sila, ngayon ay inaaresto, kinakasuhan at ikinukulong,” ani De Lima.



    Batay pa rin sa tala ng CHR, umabot sa 21 kaso ng pagdukot at enforced disappearance ang kanilang naitala mula 2007 at karaniwan sa mga ito ay naganap sa Gitnang Luzon.

    Naaalala pa ba ninyo sina Manuel Merino, Sherilyn Cadapan at Karen Empenio na dinukot sa Brgy. San Miguel, Hagonoy, Bulacan?; at ang kaso ni Jonas Burgos, ang anak ng yumaong peryodistang si Jose Burgos?



    Ayon kay De Lima, “it is also alarming, nagbago ang trend, it now goes under the cloak of judicial process, that gave the act certain legitimacy.”

    Iginiit pa niya na ilan sa mga kaso ng aktibistang nakarating sa kanya ay inaresto ng walang warrant of arrest.



    Ang mga ito ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao at nararapat lamang matigil.

    Ang mga karapatang pantao ay malinaw na nakasaad sa Universal Declaration of Human Rights na pinagtibay may 60 na taona na ang nakakaraan.



    Narito naman ang pagkakaiba.  Ang Human Rights Violation ay isinasampa lamang sa mga tauhan ng gobyerno dahil sila ay may tungkulin na pangalagaan at proteksyunan ang mga mamamayan.

    Paano kung hindi tauhan ng gobyerno ang may sala sa paglabag sa karapatang pantao?  Ayon kay Atty. Rommel Bagares ng Center for International Law, Human Rights Abuse ang tawag doon.



    Paano kung may girlfriend na ang isang lalaki at nanliligaw pa sa iba?

    Pambababae pa lang iyan, hindi pa pangangalunya na isang violation sa lover’s commitment.  “I’m just kidding.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here