Pagdinig sa kaso ng Koreanong si Jee Ick Joo nagpatuloy

    258
    0
    SHARE
    ANGELES CITY — Patuloy ang pagdinig sa mga kasong kidnapping for ransom with homicide, kidnapping and serious illegal detention at carnapping ang mga sangkot sa pagdukot at pagpatay sa Koreanong si Jee Ick Joo sa RTC Branch 58 dito sa lungsod.

    Dumalo sa pagdinig ang mga akusadong sina Supt. Rafael Dumlao, SPO4 Roy Villegas, SPO3 Ricky Sta. Isabel, Gerardo Santiago at nakadalo na rin kahapon si Jerry Omlang na hindi naman nakadalo ng nakaraang pagdinig dahil umano sa pagkakasakit.

    Naroon din sa pagdinig si Kyung Jin Choi na asawa ng Koreanong si Jee Ick Joo at kasambahay ng mga Joo na isa din sa nagrereklamo na si Marisa Roja Dawis Morquico.

    Wala namang abugado si Omlang dahil nagwithraw ng appearance ang kanyang abugado kayat nagtalaga muna ang hukuman ng counsel de ofi cio mula sa IBP.

    Naghain naman ng petisyon si Dumlao para makapagpiyansa at maghahain din ang iba pang akusado ng kanilang petisyon at pinagbigyan sila ng hukuman na makapaghain sa loob ng limang araw.

    Nagtestify naman si Morquico sa kanyang judicial affi davit at isinalang din sa cross examination.

    Naging emosyonal si Morquico sa pagdinig sa hukuman habang sumasalang ito sa cross examination.

    Ikinasa naman ang cross examination sa mga akusadong sina Omlang at Villegas sa September 14.

    Bantay sarado pa rin ang mga akusado mula pagdating sa hukuman hanggang sa pag-alis.

    Matapos ang pagdinig ay ibinalik na sa kani-kaniyang detention area ang mga akusado.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here