Kadamay hindi natinag sa eviction notice

    322
    0
    SHARE
    PANDI, Bulacan —- Sa kabila ng pagbibigay ng eviction notice ng National Housing Authority para sa mga Kadamay members na nag-okupa sa mga nakatiwangwang na pabahay, ay hindi natinag ang mga ito sa Villa Elise relocation site sa Barangay. Masuso.

    Lunes ng hapon nang ipaskil ng NHA ang mga notice ngunit hindi pa rin umalis ang mga Kadamay members. Ang mga nag-okupa ay tila normal na ang pamumuhay sa kabila ng usapin ng eviction.

    Ayon kay Marissa Palomeno, tagapagsalita ng Kadamay sa naturang lugar, hindi totoo ang eviction notice at tanging pabahay lamang ang hangad nila at hindi ang pakikipag- away.

    Karapatan naman daw nila na magkabahay sa ilalim ng programa ng gobyerno at matagal na silang dumadaan sa proseso pero hindi sila pinapansin. Ipaglalaban daw nila ang kanilang karapatan at hindi sila aalis kahit may eviction notice na.

    Sana daw ay ibigay na lamang sa kanila ang pabahay at handa naman daw silang harapin ang obligasyon dito at dumaan sa tamang proseso.

    Hindi daw dapat na gawing hanapbuhay ng gobyerno ang pabahay at dapat na ibigay sa kanila ang pangmasang pabahay.

    Hindi rin naman daw sila dapat na parusahan sa kanilang ginawa dahil ang hangad lamang nila ay magkaroon ng bahay.

    Sa ngayon ay nasa 275 Kadamay members ang nananatili sa naturang relocation site mula noong ika-8 ng Marso. Wala daw umaalis ni isa man sa mga ito at mananatili sila at nananawagan na huwag na silang pwersahin na paalisin dahil hindi nila hangad ang gulo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here