4 patay sa panibagong ‘tokhang’

    227
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS — Apat ang patay sa pagbabalik ng PNP at PDEA sa Oplan Tokhang matapos umanong manlaban ang mga hinihinalang drug pushers.

    Humandusay ang mga suspek na nakilala sa mga alyas na Whitey at Pantok sa madilim na bahagi ng Mabolo Diversion Road habang, si alyas Errol naman ay napatay sa madilim at madamong lugar ng MacArthur Highway.

    Nakuha sa mga suspek na pawang mga tricycle driver ang tatlong .38 baril, mga sachet ng hinihinalang shabu at marked money.

    Ayon sa PNP, agad na bumunot ng baril at nagpaputok ang mga suspek matapos na matunugan na pulis ang katransaksyon kayat gumanti naman ng putok ang mga otoridad.

    Habang patay naman nang manlaban nang silbihan ng search warrant ang suspek na si Norberto Zena ng Barangay Panasahan.

    Ayon kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos PNP, sisilbihan ng search warrant sa bahay si Zena nang paputukan sila gamit ang isang improvised shotgun.

    Pawang mga notorious drug pushers ang mga suspek na pawang mga nagsipagsaya pa daw nang matigil ang Oplan Tokhang.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here