5 laban kay Alvarado

    364
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS – Apat na mga di-kilala ang humahamon kay re-electionist Gov. Willy Sy Alvarado subali’t hindi pa rin masasabing madadalian ito sa laban sa 2016.

    Bagama’t naghain ng certificate of candidacy ang panglimang kalaban na si Dr. Pete Mendoza, inaasahan na ang kapatid nito na si dating Gov. Josie de la Cruz ang talagang lalaban kay Alvarado bilang substitute candidate.

    Ang apat na mga tinaguriang “salimpusa” sa laban sa pagka- gobernador ay sina independent candidates Carmen Ermalin ng Northville, Balagtas at Kaka Balite ng Malolos, Andrew Gonzales ng San Jose Del Monte at Fernando Dizon ng Plaridel.

    Samantala, hindi naman pipitsugin ang makakalaban ng running mate ni Alvarado na si re-electionist Vice Gov. Daniel Fernando sa katauhan ni dating Congressman Willy Buyson Villarama na minsa’y nagsilbi na rin bilang bise gobernador.

    Isa pang naghain ng COC sa pagka vice governor ay si Eduardo Gregorio ng Angat bilang indipindiente.

    Ang anak naman ni Alvarado na si Jonathan ang lalaban ngayon na kongresista sa unang distrito kapalit ng kanyang ina na si Congresswoman Marivic Sy Alvarado na magtatapos ng kanyang pangatlong termino.

    Makakatunggali ng batang Alvarado si Board Member Michael Fermin.

    Sa 2nd District, makakalaban ni incumbent Cong. Rep. Apol Pancho ang mamahayag na si Louie Angelesdistrito.

    Sa 3rd District, tatakbo sa kanyang re-election si Rep. Jon-jon Mendoza sa ilalim ng LP. Sa 4th District, hahamunin ni Meycauyan Mayor Joan Allarilla ng NPC si incumbent Rep. Linabelle Villarica ng LP. Sina Alvarado ay nasa Liberal Party.

    Kabilang naman sa mga naghain ng COC sa pagka-bokal sina San Miguel Mayor Roderick Tiongson at komedyanteng si Long Mejia sa ilalim ng UNA sa unang distrito at isang Ayee Mariano sa ikatlong distrito.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here