1 patay, 3 arestado sa droga

    324
    0
    SHARE
    STA.MARIA, Bulacan — Patay ang isang 40-anyos na lalake habang arestado naman ang tatlong pawang mga teenagers sa isang drug bust operation sa El Pueblo Subd. Barangay Caypombo sa bayang ito.

    Dead on-the-spot ang suspek na si Rodolfo Bermudo Jr., at arestado naman ang anak nito na si Dave Joshua Bermudo kasama ang dalawang 17-anyos na lalake.

    Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng ulat na may nagaganap na pagtutulak ng droga sa loob ng nasabing subdivision kaya’t agad na ikinasa ang isang buy-bust operation dito.

    Nagpositibo ang operasyon ngunit nang aarestuhin na ang matandang Bermudo ay nakatakas ito at pumasok ng kanyang bahay, kinuha ang .38 baril at pinagbabaril ang mga operatiba.

    Dito na umano gumanti ng putok ang kapulisan na nagresulta sa pagkamatay ng suspek at naaresto ang tatlo pa.

    Narekober ng SOCO sa loob ng bahay ni Bermudo ang P500 marked money, .38 revolver, mga bala, mga sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

    Ang mga teenager ay nakaditene ngayon sa Sta.Maria police station at hindi na nagbigay ng kanilang panayam sa media.

    Habang dinala na sa isang punerarya si Bermudo at nasa Bulacan Crime Laboratory na ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang imbestigasyon.

    Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong pagtutulak ng ilegal na droga.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here