Kurso ng news writing para sa pulis

    1156
    0
    SHARE
    CAMP OLIVAS, Pampanga —- Isinulong ng Philippine National Police Region 3 ang pag-aaral ng mga pulis para sa News Writing Technical Course ng RTV Bulacan na accredited ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA).

    Ang pag-aaral ng PNP sa TESDA news writing course ay sisimulan nitong Hulyo at inaasahan na magtatapos sa Setyembre.

    Ayon kay Chief Supt. Ronald Santos, OIC regional director ng PRO3, sa pamamagitan ng kursong ito ay lalong mahahasa ang kapulisan sa pagbibigay ng mga impormasyon at pakikipag-ugnayan sa mga mamamahayag maging sa publiko.

    Isang “welcome development” ang programang ito na unang inilunsad ng RTV Bulacan Inc. sa kapulisan ng Gitnang Luzon.

    Ani Santos, hindi lamang magagamit ito ng pulis sa kanilang trabaho kundi magagamit din bilang mga personal skills lalo na’t laganap na ngayon ang social journalism.

    Lalahok sa naturang programa ang mga personnel ng Public Information Office, Police Community Relations at maging ang nasa non-uniformed personnel mula sa mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

    Ayon naman kay Rommel Ramos, central administrator ng RTV Bulacan Basic News Writing Course, nais nilang mapalawig ang journalism sa lahat ng sektor ng bansa maging sa pulisya.

    Aniya, maaari nang makapag- aral ngayon ng professional journalism bilang isang teknikal na kurso na makatutulong din sa mga gumagamit ng social media.

    Sabi pa ni Ramos, ang news writing course na ito ang kauna-unahang technical journalism course na naisulong nila sa pamamagitan ng TESDA.

    Inaasahan na isusulong ng RTV Bulacan sa lahat ng sektor ang naturang kurso para sa pagpapalaganap ng malinis, patas at tamang paglalahad ng mga balita.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here