Bunga ng saging singlaki ng braso ng tao

    724
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS — Isang kakaibang uri ng bunga ng puno ng saging ang makikita ngayon sa Barangay Mabolo dito.

    Ito ang kung tawagin ay Giant Lakatan. Kung titingnan may kaliitan lamang ang puno nito at hindi iisipin na magbubunga ng malaking saging na halos kasing laki na ng braso ng isang tao.

    Dadalawang buwan pa lamang daw naitatanim ni Joey Valencia ang punong saging na nagmula sa Zambales ang suwi ngunit agad na itong nagbunga.

    Sa sobrang laki ng ibinunga nito nakuhang mabuwal ng puno ng saging dahil sa hindi nakayanan ang bigat ng bunga.

    Ayon kay Valencia, nasa 1.3 kilos ang bigat ng isang piraso ng saging na may habang 17 pulgada. Kayat ang isang kaing nito ay tumitimbang naman ng mahigit 20 kilo.

    Ang kakaiba pa sa punong ito ay wala itong puso at bunga na agad. NIlagyan na nila ng brace ang mga puno ng saging upang hindi ito bumagsak at tuluyan pang makapamunga.

    Ang hilaw na saging ay niluto nila ng minatamis na saging na anila’y kasing lasa ng kamoteng kahoy habang ang iba naman ay pinapahinog nila.

    Namigay na rin daw sila ng mga suwi nito sa ibang mga kapitbahay na nais magtanim ng naturang puno.

    Ang saging o banana sa wikang Ingles ay isang edible fruit na may ibat-ibang klase gaya ng lakatan, senyorita, butuan at latundan.

    Nasa 107 bansa sa buong mundo ang may industriya ng saging.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here