Kanluran ng armas noon, Banal na Bundok ngayon

    565
    0
    SHARE
    SAN MIGUEL, Bulacan —- Ngayong Semana Santa, ay inaasahang daragsa ang mga pilgrims sa ibatibang mga pilgrimage site sa bansa.

    Sa bayang ito ay makikita ang pinakabagong pilgrimage site na kung tawagin ay Banal na Bundok, dahil na rin sa ang bundok na ito daw ay mapaghimala at nakakapag-pagaling ng mga sakit.

    May mga pagkakataong nagtitipon-tipon daw ang malalaking kawan ng mga ibon sa ituktok ng bundok na nagbabadya ng paghihimala sa sinumang naroon na nananalangin at humihiling ng tulong.

    Minsan na itong naging bahagi ng kublihan ng mga rebolusyunaryong Pilipino mahigit 100 taon na ang nakakaraan, ngunit ngayon, itinuturing itong lugar ng dalanginan at tinawag na ngang Banal na Bundok.

    Ang Banal na Bundok ay dinarayo kapag araw pa lamang ng Lunes Santo kung saan nagsasagawa na ang mga namamanata ng prusisyon, misa at station of the cross.

    Ito ay isang burol na may taas na mahigit 100 piye na matatagpuan sa paanan ng kabundukan ng Biak-na-Bato National Park sa Sitio Balingkupang, Barangay Biak-na-Bato sa silangang bahagi ng bayang ito.

    Sa paanan ng Banal na Bundok ay ang malapad na parang na maaring paradahan ng mga sasakyan at ang ibang bahagi nito ay maari ding pagtayuan ng mga tent ng mga nais manatili doon ng magdamang sa panahon ng paggunita sa Mahal na Araw.

    Mula sa ibaba ay matatanaw ang 25-talampakang krus sa tuktok ng Banal na Bundok katabi ang isang adoration chapel.

    Madaling akyatin ang tuktok dahil sa may kongkretong hagdanan na may gabay na ang gilid ay natataniman ng mga halamang namumulaklak at mga palmera bukod pa sa mga larawang nakakuwadro na nagpapakita ng mga pangyayari sa tinaguriing istasyon sa krus ng Panginoong Hesus.

    Sa ibaba ng hagdan ay mga mga rebulto at kandelario na maaring pagtusukan ng kandila habang nananalangin.

    Kamangha-mangha naman ang mga tanawin mula sa tuktok ng Banal na Bundok.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here