Kabataan nanawagan ng pagtitipid sa tubig

    325
    0
    SHARE
    BALIWAG, Bulacan — Nagsagawa ang isang mall sa Bulacan ng 2-kilometer Fun Run ng mga chikiting para sa selebrasyon ng World Water Day.

    Ang Bulilit Fun Run sa SM City Baliwag ay kinabibilangan ng mga batang umeedad ng 12-taong-gulang mula sa ibat ibang eskwelahan sa bayan ng Baliwag.

    Ngayong selebrasyon ng World Water Day, panawagan nila ang pagtitipid sa paggamit ng tubig lalo natmay El Niñong kakaharapin ang bansa ngayong taon.

    Ipinanawagan dito ang mga pagtitipid gaya ng iwasang nakabukas ang gripo nang walang gumagamit, pag-aksaya ng sobrang paggamit ng tubig sa paliligo, pagrecycle ng tubig at iba pa.

    Bukod sa pagtitipid ng tubig dahil sa El Niño ay ipinaliwanag din ang kahalagahan naman sa kalusugan ng katawan ng regular na pag-inom ng tubig.

    Kailangan pa rin daw na makunsumo ang walong baso ng tubig kada isang araw. Ang fun run ay nilahukan ng may 500 estudyante mula pre-school hanggang elementarya.

    May premyo din ang unang chikiting na nakatapos ng pagtakbo sa palibot ng mall.

    Ayon naman sa SM City Baliwag, ang aktibidad na ito ay bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility ng pagmamahal sa tubig kaugnay ng El Niño at Climate Change.

    Dumalo din ang entertainer at komedyanteng si Betong Sumaya sa World Water Day kiddie fun run.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here