Home Headlines AC, katuwang sa Handog ng Pangulo 2026: Serbisyong Tapat Para sa Lahat 

AC, katuwang sa Handog ng Pangulo 2026: Serbisyong Tapat Para sa Lahat 

184
0
SHARE

LUNGSOD NG ANGELES – Katuwang ang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Mayor Carmelo “Jon” B. Lazatin II, inihatid ng iba’t ibang national government agencies ngayong Setyembre 14, ika-69 araw ng kapanganakan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Handog ng Pangulo 2026: Serbisyong Sapat Para sa Lahat ba ginanap sa Infinity Complex.

Kabilang sa mga tampok na serbisyo ang medical at health services, kabilang ang non-communicable diseases risk assessment, blood pressure at blood sugar screening, chest X-ray, basic oral healthcare, blood typing, mental health services, deworming at vitamin supplementation, at iba pang health interventions.

Para naman sa mga alagang hayop, ang libreng anti-rabies vaccination, deworming para sa aso at pusa, veterinary consultation, at pet adoption.

Naging bahagi rin ang Handog ng Pangulo: Sagip-Ani at Agapay sa Angeleñong Magsasaka, isang agricultural assistance initiative na naglalayong makatulong sa agarang pagbangon ng ating mga magsasaka, maibalik ang kanilang produksyon, maprotektahan ang kabuhayan, at mapalakas ang kanilang kakayahang makabangon mula sa mga agricultural shocks.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Agriculture at pamahalaang lungsod, 200 magsasaka ang nabigyan ng iba’t ibang agricultural interventions sa ilalim ng Rice, Corn and Cassava, High Value Crops, Organic, at Livestock Programs.

Kabilang sa mga ipinamahaging interventions ang fertilizers, seeds, biofertilizers, soil ameliorants, knapsack sprayers, foliar fertilizers, at iba pang production inputs para sa rice, corn, cassava, high-value crops, organic farming, at integrated pest management.

Para naman sa mga livestock farmers, kabilang sa suporta ang mga input para sa animal health at disease prevention, na makatutulong upang mapangalagaan ang mga alagang hayop at mabawasan ang posibleng production losses.

Kasama rin sa agricultural assistance ang mga seed varieties para sa lettuce, pechay, okra, kamatis, talong, sili, siling panigang, kalabasa, at iba pang high-value crops, na makatutulong sa muling pagtatayo ng vegetable production at pagpapalakas ng food security sa komunidad.

Bukod sa production inputs, tampok din ang Agricultural Rehabilitation, Emergency Credit, and Operational Viability for Economic Restoration (Agri-RECOVER) Program ng Agricultural Credit Policy Council, na ilulunsad bilang pilot program sa Angeles City upang magbigay ng credit assistance sa mga kwalipikadong magsasaka para sa kanilang agricultural recovery.

Sa ilalim ng Agri-RECOVER, makikinabang ang mga kwalipikadong magsasaka sa 0% interest at hanggang tatlong taong repayment period, upang magkaroon sila ng mas sapat na panahon at puhunan para makabangon, makapagsimulang muli, at maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan.

Samantala, tampok din ang Kadiwa ng Pangulo – Benteng Bigas, Meron Na! sa Angeles City Hall Grounds, na nagbibigay ng mas abot-kayang bigas sa mga kwalipikadong benepisyaryo, kasama ang mga lokal na produkto ng Angeleño farmers at producers tulad ng kamote, saging, empanada, at iba pa.

Mayroon ding libreng legal consultation at notarial services, gayundin ang mga serbisyo at assistance mula sa Philippine National Police, at Bureau of Fire Protection, kabilang ang police clearance, Women and Children Protection Help Desk, Highway Patrol Group Help Desk, at impormasyon ukol sa Fire Safety Evaluation Clearance at Fire Safety Inspection Certificate.

Para sa mga nangangailangan ng tulong panlipunan, narito rin ang City Social Welfare and Development Office assistance para sa hospital bills, CT scan, gamot, chemotherapy, dialysis, laboratory services, occupational therapy, operasyon, burial assistance, at wheelchair requests, na nakabatay sa assessment at kaukulang requirements.

Kasama rin sa Serbisyo Caravan ang iba pang programa para sa kabuhayan, public safety, at employment, upang mas maraming Angeleño ang magkaroon ng access sa serbisyong kailangan nila.

Mula sa agriculture, health, social welfare, legal assistance, veterinary care, livelihood, at iba pang government services, ang Handog ng Pangulo 2026 ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng national at local government upang mailapit ang serbisyo at suporta sa komunidad.

Sa pangunguna ni Mayor Jon, patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles ang mga programang nagbibigay ng tulong, oportunidad, at mas matibay na suporta sa kabuhayan ng bawat Angeleño. Angeles CIO 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here