2 holdaper todas sa shootout

    405
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS – Dalawang hinihinalang holdaper ang napatay sa Bulacan matapos ang mga ito’y makipagbarilan sa mga pulis noong Lunes ng gabi.

    Dead on the spot ang dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo na umano’y ginamit sa panghoholdap sa Petron gas station sa Barangay Cutcut sa bayan ng Pulilan.

    Narekober mula sa mga ito ang dalawang .38 baril at mga bala at pera.

    Ayon kay Roman, isang gas boy ng nasabing gas station, bandang 10:30 ng gabi ng sila ay holdapin ng mga suspek.

    Bago ito ay nagpakarga daw muna ang mga ito ng halagang P20.00 na gasolina at tila bumwelo at pinag-aralan lamang kung paano sila hoholdapin.

    Matapos tangayin ang kanilang pera ay agad na tumalilis ang mga suspek kaya agad naman silang tumawag sa mga nagpapatrulyang pulis.

    Ito na raw ang ikalawang beses na sila ay hinoldap sa loob ng taong ito.

    Ayon naman kay Senior Supt. Fernando Mendez, Jr. provincial director ng Bulacan police, agad na nanlaban ang mga suspek sa kapulisan.

    Dalawang tama ng bala mula sa mga suspek ang tumama sa kanilang sasakyan. Dahil dito ay gumanti ng putok ang kapulisan na nagresulta sa pagkakapatay sa mga suspek.

    Sa kasalukuyan ay wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek at ang mga bangkay nito ay dinala sa Blue Cross Funeral Homes sa lungsod na ito.

    Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Philippine National Police sa nasabing krimen.

    Inaalam nila kung ang mga napaslang na suspek ay kaanib ng malaking sindikatong nambibiktima sa mga gas stations sa Bulacan. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here