Imbakan ng kemikal para sa shabu, explosive nadiskubre sa Bulacan

    357
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY – Nadiskubre ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ang ibat-ibang uri ng kemikal na gamit sa paggawa ng shabu at mga pampasabog mula sa isang abandonadong bahay sa isang subdibisyon sa lungsod na ito noong Lunes ng gabi.

    Tinatayang nagkakahalaga ng milyon-milyong piso ang mga kemikal ngunit hindi pa ito matiyak ng pulisya sa pamumuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil kumukuha pa sila ng order sa korte upang mailabas sa bahay ang mga nasabing kemikal.

    Ayon kay Supt. Baltazar Mamaril, hepe ng pulisya ng lungsod ng ito, ang mga kemikal ay natagpuan sa isang abandonadong bahay sa Phase 5-C ng Grand Royale Subdivision sa barangay Pinagbakahan sa lungsod na ito.

    Ang nasabing bahay ay huling inokupa ng isang Alexis Chua noong 2006.  Ito ay kanyang nirentahan sa may ari ng bahay na nasa ibayong dagat.

    Ayon kay Norberto Crispin, head ng security sa  subdibisyon, ilang residente ang nagreklamo sa masangsang na amoy ng kemikal na nagmumula sa nasabing bahay.

    Napapansin na rin niyang namamatay ang mga damo at halaman sa paligid nito maging ang mga insekto.

    Ngunit ininspeksyon lang nila ang bahay ng ito ay ma-forfeit sa may-aring nasa ibayong dagat na hindi nakabayad ng buwanang upa.

    Sa kanilang pagpasok sa bahay ay tumambad sa kanila ang mga kahina-hinalang kemikal kaya’t sila ay nakipag-ugnayan pulisya.

    Sa kasalukuyan ay ini-embentaryo pa ng mga operatiba ang mga natuklasang kemikal habang naghihintay ng court order bago ito tuluyang kumpiskahin.



    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here