BISHOP DAVID:
    ‘Si Noynoy ang dapat magpatigil ng jueteng’

    321
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG ANGELES – Upang maipatigil ang usapin ng jueteng ay kinakailangan itong magsimula sa itaas.

    Ito ang hamon ni auxiliary Bishop Pablo Virgilio “Ambo” David ng Holy Family Parish ng lungsod ng ito kay Pangulong Noynoy Aquino.

    Dapat aniyang sa “itaas” magmula ang paggalaw upang maipatigil ang Jueteng.

    Kung ang adbokasiya aniya ni Aquino ay ang paglaban sa kurapsyon ay dapat na labanan nito ang jueteng.

    Hinamon ni David si Aquino na ipatigil ang Small Town Lottery o STL na nagsilbing front ng jueteng.

    Paulit-ulit na lamang aniya ang usaping ito at kung ayaw ni Aquino na mawala ang tiwala sa kanya ng taumbayan ay dapat na maipatigil na ito sa lalong madaling panahon.

    Ayon pa kay David, kung hindi matutuldukan ni Aquino ang jueteng sa kanyang unang 100 araw ay wala ng mangyayari laban dito at makakatulad na lamang sa mga nagdaang administrasyon.

    Kaugnay nito ay hayagan na sinabi ni David sa isang Misa na ginanap sa pamahalaang panlungsod ng San Fernando sa kaarawan ni Mayor Oca Rodriguez ang kahinaan ng pamahalaan upang wakasan ang nasabing iligal na sugal.

    Aniya, hindi rin sapat na sasabihin lamang ng isang mataas na opisyal mula sa Nasyunal ng tangkang panunuhol para sa operasyon ng jueteng ngunit ang dapat aniya’y ipinaaaresto na agad ang mga taong ito.

    Inilarawan niya ito sa kanyang homilya na isang “indecent proposal” o bawal na pag-aalok ang hatag na pera sa jueteng kaya’t may basehan na nga aniya upang arestuhin ang mga nagtangkang manuhol.

    Nakakadismaya lamang aniya na ihahayag sa publiko ang sinasabing tangkang panunuhol ngunit wala namang malinaw na hakbang kaya’t nakakadagdag dismaya lamang ito sa mga tao.

    Ayon kay David, nakikiisa sila sa pagkadismayado sa usapin ng jueteng at suportado nila si Archbishop Oscar Cruz.

    Kung magdidikta lamang nga aniya si Aquino na itigil na ang jueteng ay tiyak na matitigil na nga ito.

    Hindi na aniya kailangang pangalanan pa ni Cruz ang mga opisyal na tumatanggap ng jueteng payola.

    Alam naman aniya ng mga nasa gobyerno kung sino-sino ang mga ito.

    Kung si Cruz aniya ay wala namang intelligence fund kumpara sa gobyerno ngunit ito ay kilala ang mga opisyal na nasa jueteng payola.

    Paulit-ulit na nga lamang aniya ang usaping ito ngunit wala namang naparusahan sa mga lumutang na pangalan sa jueteng kahit nang nakaraang mga taon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here