Arsobispo Cruz kontra sa pagbebenta ng Pagcor

    370
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG SAN FERNANDO – “Ang isang pamahalaan na talagang laban sa kurapsyon, hindi pwedeng maging pro-gambling!”

    Ito ang naging pahayag ni Archbishop Oscar Cruz sa panukalang pagsasapribado ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

    Si Cruz ay nakapanayam ng Punto ng ito ay magtungo sa lungsod ng San Fernando, Pampanga nitong Lunes.

    Aniya, dahil sa usaping ito ay hindi maaring isigaw ni President Noynoy Aquino na siya ay anti-corruption ngunit ito ay lumalabas na pro gambling naman.

    Hindi kasi aniya pwedeng pagsamahin ang corruption at integridad, tapos ay integridad at sugal. Magkakakontra aniya ito.

    Napapahiya umano siya sa ganitong mga panukala dahil tila Macau na aniya ang Pilipinas kapag pumasok na ang foreign investors sa pagpapatakbo ng sugal.

    Kung tutuusin ay para na rin daw Mexico ang Pinas dahil dito na rin ang bentahan ng droga at supplier ng babae sa human trafficking.

    Hindi siya pabor dito dahil sa lalo aniyang lalala ang problema ng Pagcor kapag pinaubaya sa private sector.

    Kung wala aniyang pera ang gobyerno, ay maaring naman aniyang ipagbili ang mga gusali ng Pagcor upang magamit sa negosyo tulad ng opisina.

    Posible din aniyang pumasok ang foreign capital dito sa ganitong paraan ngunit hindi sa sugal.

    “Hindi ako pabor, pagka’t mas lalong lalala yan pagka pinabayaan mo sa private corporation, samakatuwid kapag iyan ang nagkaroon ng lisensya so to speak to run official gambling in the Philippines Casino tapos ka na… magiging Las Vegas ka”, ani Cruz

    Ang tanungin dapat aniya ay kung saan napupunta ang pera ng Pagcor na ginugol sa burger at bigas.

    Puro sugal na nga aniya ang bansa dahil sa dami ng franchise ng casino tulad sa Pampanga at madami pang lugar.

    May mga Small Town Lotteries (STL)  pa nga aniya at loteng at marami pang porma ng sugal na nakakalat sa bansa.

    Panawagan ni Cruz ang pagkakaroon ng bansa ng konting moral at lawak ng kaisipan.

    Aniya, “pagka’t corruption equals gambling and gambling equals corruption, hindi pwedeng pagsamahin yung corruption at integrity tapos integrity at gambling at hindi naman siguro malalim na katotohanan yun.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here