BALAGTAS, Bulacan – Natutuyo at nagbibitak na ang mga bukirin sa ibat-ibang bayan sa Bulacan sanhi ng kakulangan sa tubig bunga ng paparating na El Niño phenomenon.
Ayon sa mga magsasaka, mas lumalaki ang gastos nila sa pagsasaka ngayon dahil kailangang gumamit ng kuryente para sa bomba ng tubig sa mga bayan ng Balagtas, Bocaue, Pandi, at Bulakan.
“Pahirapan sa supply ng tubig sa kabukiran dahil sa mababang level ng tubig na ginagamitan na lamang ng mga water pumps upang daluyan ng tubig ang sakahan,” ani Leonardo Clemente, pangulo ng Bulusan-Moncada Irrigators Association sa bayang ito.
Binigyang diin niya na umaabot na sa 200 ektarya ng palayan ang apektado sa kanilang bayan.
Ito ay bahagi ng kabuuang 5,000 ektarya na apektado ng tag-tuyot ayon sa pahayag ni Jess Perez ng National Irrigation Administration (NIA) na nakabase sa bayan ng San Rafael.
Ngunit ayon kay Gloria Carillo, hepe ng Provincial Agriculture Office (PAO), maaring umabot sa 27,000 ektarya ng bukirin ang maaapektuhan sa Bulacan dahil sa kapos na patubig.
Sinabi ni Carillo na ang 27,000 ektarya ay ang kabuuang sukat ng palayan sa lalawigan na tinaniman ng palay mula Nobyembre.
Sinabi niya na nakahanda ang mga shallow tube well (STW) at mga open surface pumps (OSP) ng mga magsasaka sa lalawigan, ngunit ang lahat ng ito ay nakadepende sa ulan.
Ipinangangamba naman ng magsasaka na hindi sila mag-aani kahit may mga water pumps dahil na rin sa kapag hindi umulan, tubig alat ang mabobomba nila patungo sa kanilang bukirin.
Ilan sa kanila ang nagsabi na nagkakaroon na ng saline water intrusion o pagpasok ng tubig alat sa mga kailugan ng lalawigan dahil sa kawalan ng ulan.
Binatikos naman ni Liza Sacdalan, pangulo ng Farmers Irrigators Association sa Gitnang Luzon, ang mga ahensiya ng gobyerno sa mga pahayag nito na nagkukundisyon sa isip ng tao na walang sapat na patubig.
Sinabi niya na laging idinadahilan ng gobyerno ang El Niño ngunit maraming pagkakataon ng pag-ulan sa kalagitnaan ng tag-araw.
Sinisi rin niya ang Angat Dam sa pagpapatapon ng sobrang tubig noong huling bahagi ng nagdaang taon kung kailan nanalasa ang bagyong Ondoy.