Campus tour ni Gibo sa Bulacan sinimulan

    397
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY – Sinimulan na ni dating Defense Secretary at ngayon ay Presidential Candaidate Gilbert Teodoro ang kanyang campus tour sa Bulacan kung saan ay parang nililigawan niya ang mga estudyanteng Bulakenyo.

    Ayon kay Teodoro, mahalaga ang pakikipagtalakayan sa mga estudyante sapagkat napapaliwanagan ang mga ito para sa kanilang mga plataporma kaugnay ng papalapit na halalan.

    Aniya, sa mga forums ay natututo din siya sa mga pananaw ng mga ito sa isyu ng bansa.

    Noong Lunes, nilibot nina Teodoro kasama ang kanyang running mate na si Edu Manzano sa ilang eskwelahan sa Bulacan tulad ng Polytechnic University of the Phippines (PUP) sa bayan ng Sta. Maria at Bulacan State University sa lungsod na ito.

    Kahapon ay sa mga paaralan sa mga bayan ng San Rafael, San Ildefonso at San Miguel magsasagawa ng campus tour si Teodoro na kasalukyan pang napag-iiwanan sa mga survey.

    Sa panayam naman ng mga lokal na mamamahayag sa Bulacan kay Teodoro, ay nilinaw nitong wala nama siyang problema sa kaniyang advertisement na “posible” ngunit ayaw na lamang umano niyang magkaroon pa ng kontrobersiya dito.

    Aniya, may karapatan naman siyang gamitin ang naturang kanta sapagkat binili na nila ang rights nito.

    Aniya, kung tutuusin ay dapat aniyang ang kampo nina Rico Blanco ang magpaliwanag kung bakit nila ito kinikwestyon sapagkat may mga kasulatan at kontrata sila sa pag-gamit nito.

    Sa ibang usapin ay ayaw naman niyang patulan ang umanoy kumakalat na may paksyon sa partidong Lakas-CMD na ilalaglag daw siya sa halalan.

    Agad na tinuldukan ni Teodoro na hindi niya papaunlakan ang mga naturang haka-haka at kailangan munang linawin kung sino ang nagpapakalat ng malisyosong usapin.

    Hinggil naman sa pagtakbo nito sa ilalim ng partido ng Administrasyong Arroyo ay sinabi nitong kung may mga tao man aniyang hinuhusgahan siya dahil dito ay wala siyang magagawa at sa kanyang pananaw ay ang mga ito pa ang nawawalan.

    Ayon kay Teodoro, hindi siya dapat dito husgahan bagkus ay sa kanyang kakayanan. 


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here