Kaparian sa Bulacan, tutol sa sanitary landfill

    728
    0
    SHARE
    GUIGUINTO, Bulacan—Tutol ang kaparian sa lalawigan ng Bulacan l sa planong pagpapatayo ng isang sanitary landfill sa bayan ng Donya Remedios Trinidad.

    Katuwang ang mga residente sa nabanggit na bayan ay tinututulan ng Diocese of Malolos ang panukalang sanitary landfill ng Jancom

    Veola firm na may kabuuang laki na 100-hectares na tatanggap ng 2,000 metric tons kada araw ng mga basura mula sa kalakhang Maynila at iba pang karatig probinsiya.

    Ayon kay Fr. Efren Basco, director ng Diocesan Ecological and Environmental Program o DEEP sa ilalim ng Diocese of Malolos, hiling nila na ibasura ang naturang panukala dahil sa makasisira lamang ito sa kalikasan at makakaapekto sa kalusugan ng mga mamamayan doon.

    Ayon pa kay Basco, maging sa kanilang sermon sa mga misang gagawin sa lalawigan ay kanilang tatalakayin ang masamang epekto ng sanitary landfill na posibleng sumira sa mga kailugan sa Bulacan.

    Ayon naman kay Dr. Met Palaypay, executive director ng National Solid Waste Commission sa harap ng mga mamamayan na nagmula sa ibat-ibang bayan sa Bulacan, ang seryosong pagpapatupad ng Republic Act 9003 o ng Solid Waste Management Act ang siyang solusyon sa basura sa bansa at hindi ang pagpapatayo ng mga sanitary landfills.

    Kung matututo lamang aniya ang mga mamamayan na sinupin ang kanilang mga basura sa ilalim ng Republic Act 9003 kung saan sa pamamagitan ng segregation ay hindi na maisususulong ang mga panukalang landfill sapagkat wala nang basurang maihahakot para dito.

    Dapat din aniyang mag-imbestiga ang senado at kongreso dahil sa mula pa noong taong 2000 hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nailalabas ng Department of Budget and Management ang taunang budget para implementasyon ng naturang batas.

    Aniya, P20 million kada taon ang hindi pa nailalabas ng DBM sa ilalim ng pamamahala ni Sec. Rolando Andaya.

    Kayat umaabot na aniya ng hanggang P180 million ang halagang hindi pa nailalabas na pera ng DBM mula pa noong taong 2000.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here