ANGELES CITY – Nakikiramay ang mga tindera ng Pampang Public Market dito na mga plan holders ng Permanent Plans dahil sa pagkamatay ng CEO at chairman nito na si Atty. Miguel Madrigal Vasquez.
Umaabot umano sa 1,000 mga tindera ng nasabing palengke ang miyembro ng Permanent Plans na pagmamay-ari ng mga Vasquez.
Matapos mapaulat ang pagkamatay ni Atty. Vasquez ay agad na nagpulong ang mga tindera sa palengke kasama ang PEP coalition upang pag-usapan kung paano kakaharapin ang kanilang sitwasyon dahil sa pagkawala ni Vasquez.
Ayon kay Philip Piccio, pangulo ng PEP coalition, nakikiramay sila sa mga naulila ni Vasquez at siya ay personal na nanghihinayang sa pagkawala nito dahil sa umanoy may nakikita sana siyang paraan upang maresolba ang problema ng mga plan holders sa tulong ni Vasquez.
Ngunit dahil umano sa pagkawala ni Vasquez ay mapipilitan na silang magsampa ng kasong syndicated estafa laban sa mga bumubuo ng Permanent Plans.
Ani Piccio, sa ngayon ay nasa estado na sila ng paglilikom ng mga ebidensya laban sa mga Vasquez upang isampa na ang kaso sa unang linggo ng Setyembre.
Aniya, nirerespeto nila ang pagdadalamhati ng mga Vasquez ngunit kailangan din naman ng katarungan para sa mga plan holders na umaasa sa makukuhang benepisyo mula sa naturang kumpanya.
Paniniwala naman ni Leticia Ang, ahente ng naturang kumpanya na hindi sa mga Vasquez nagmula ang sigalot kundi sa isang nagngangalang Jaquilyn Lim na umano’y vice president ng Permanent Plans.
Magmula lamang umano ng mapasok ito sa kumpanya ay naging magulo ang patakbo nito kayat naapektuhan na silang mga plan holders.
Hinaing ng mga plan holders sa Pampang market na baon na sila sa utang dahil sa paghihintay ng kanilang benepisyo.
Hindi rin umano sila makakapayag na palitan ng “in kind” ang kanilang benepisyong matatanggap.
Ayon pa kay Piccio, lumalabas pa sa kanilang pagsisiyasat na may mga malalaking bangko sa bansa ang kanilang posibleng sampahan din ng kaso dahil sa pagkawala ng perang dapat sanay natanggap ng mga plan holders.