7 buwang sanggol, tinangay ng buhawi, patay

    330
    0
    SHARE
    San Luis, Pampanga – Patay ang isang pitong buwang sanggol matapos itong tangayin ng buwahi sa Barangay Sto. Tomas, San Luis, Pampanga  noong Sabado ng hapon.

    Ayon kay Erlinda Garcia, lola ng biktimang si Mhoana Marie Pabustan, nasa loob ng kanilang bahay at natutulog sa duyan ang bata ng biglang lumakas ang hangin sa kanilang paligid.

    Sa isang iglap aniya ay biglang tinuklap ng buhawi ang bubungan ng kanilang bahay kung saan nakatali ang duyan ng kanyang apo na natutulog ng mga oras na iyon.

    Tinangka pang hablutin ni Garcia pababa ang duyan ng apo ngunit hindi niya inabutan dahil sa bilis at lakas ng hangin.

    Ayon sa lola, tinangay ng hangin ng buhawi ang kanyang apo  na ang taas at lampas poste, pagkatapos ay ibinagsak sa sementadong dike may sampung metro ang layo sa kanilang bahay.

    Agad niyang sinaklolohan ang walang malay na apo at isinugod sa ospital ngunit binawian din ito ng buhay.

    Ayon pa kay Garcia, matagal na silang naninirahan sa naturang lugar at ngayon lamang nila naranasan ang paglitaw ng buhawi.

    Ayon naman kay Nomerio Garcia, lolo ng biktima, namaga ang likuran ng kanyang apo dahil sa pagbagsak nito sa sementadong dike.

    Maging ang bubungan aniya ng kanilang bahay ay napunit sa buhawi.

    Bakas naman ang lungkot sa mga magulang ng biktima na sina Marvin at Norlyn Pabustan dahil sa insidente ngunit wala silang sinisisi sa pagkamatay ng kanilang nag-iisang anak dahil sa dala ng kalikasan ang paglitaw ng naturang buhawi.

    May ilang mga puno din ang naitumba at ilang kabahayan ang naapektuhan sa pananalanta ng naturang buhawi.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here