9 preso sa Bulacan positibo sa A-H1N1

    329
    0
    SHARE

    MALOLOS CITY—Pansamantalang itinigil ang pagtanggap ng mga dalaw sa Bulacan Provincial Jail matapos magpositibo sa A-H1N1 virus ang siyam sa mga detainees doon.

    Ayon kay Provincial Administrator Pearly Mendoza, siyam sa 10 mga detainees na sumailalim sa throat swabbing ng nakaraang linggo ang nagpositibo sa A-H1N1.

    Ngunit aniya, magagaling na rin ang mga iyon.

    Dahil dito, pansamantala munang itinigil ang pagpapasok ng mga kaanak at kaibigan ng mga detainees na dumadalaw sa jail upang maiwasan na may makahawa pa sa mga may sakit sa loob ng selda at maiwasan din ang makapagpasok ng sakit doon.

    Ayon kay Mendoza, 12 inmates pa ang inoobserbahan sa kasalukuyan sa Bulacan Provincial Jail dahil sa lagnat , samantalang 20 naman ang mayroon pang ubo at sipon.

    Gayunpaman, sinabi ni Mendoza na patuloy ang kanilang pag-iingat at pagbibigay ng mga gamot at bitamina sa mga detainees.

    Sinabi niya na ang mga may sakit na inmates ay nakahiwalay sa isang holding area upang hindi makapaghawa ng sakit sa mga kapwa detainees.

    Dahil naman sa pagiging positibo sa A H1N1 ng siyam na inmates sa provincial jail ay umangat na sa 44 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa A H1N1 sa lalawigan, ngunit lahat naman sa mga ito ay nagsigaling na.

    Matatandaan na noong nakaraang linggo ay 60 inmates sa provincial jail ang inobserbahan matapos na mapaulat na nagkaroon ng influenza like illness. Sampu sa mga ito ang sumailalim sa throat swabbing.

    Sa kasalukuyan ay nasa visiting area ang mga inoobserbahang detainees bilang kanilang isolation area at maiwasan na may iba pang mga detainees ang mahawa ng sakit.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here