MEYCAUYAN, Bulacan – Inaresto ng kapulisan ang isang dating branch manager ng isang kilalang bangko na may sangay sa lungsod na ito matapos na maaresto kahapon ng umaga dahil sa umano sa pagnanakaw ng may P0.3 milyong pondo ng pamahalaang bayan dito.
Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Judge Olivia Escudo-Samar ng RTC Branch 79 sa lungsod ng Malolos, inaresto ng mga tauhan ni Supt. Bo Felix ng Meycuyan PNP si Alberto Reyes, 57, dating branch manager ng Philippine
Business Bank dakong alas 7:30 a.m. habang nakasakay sa kanyang kotse malapit sa kanilang bahay sa Lot 20,Block 57,Phase 5, Barangay Bagbaguin dito.
Ayon sa record ng korte, ang pagkakaaresto kay Reyes dahil sa reklamo ng namayapa ng si dating Meycauyan City Mayor Eduardo Alarilla noong July 16, 2007.
Ayon sa reklamo ng dating alkalde, nagpalabas ng pondo ang lungsod ng Meycauayan ng PNB Check No.0000009330 na may kabuuang halaga na P313,100 na may pirma ng kasalukuyang mayor na si Joan Alarilla upang ibayad sa Special Education Fund na nakapangalan sa St.Augustine Publication Inc.
Ngunit ng tanggapin ito ni Reyes bilang branch manager ng Philippine Business Bank, inilagay niya umano ito sa account ng kanyang anak na si Allan Reyes na may account no.101-01-560-0 sa utos umano ng isang dating nanunungkulang pinuno ng isang sangay sa pamahalaang bayan.
Nang magkaroon na ng pag-o-audit ang pamahalaang bayan ay laking gulat nito na nawawala ang halagang P0.3 milyong piso. Nang alamin kay Reyes ang dahilan ay napag-alamang nagtatago na ito maging ang kanyang anak na si Allan Reyes na nagbunsod upang ipagharap ng kaukulang reklamo si Reyes sa korte.
Kasong paglabag sa Article 308 ng Revised Penal Code ang kasong kinakaharap ng mga isinakdal.
Depensa naman ng suspek, kanya lamang umanong ginawan ng paraan na mailabas ang naturang pera dahil na rin sa utos ng isang nagngangalang Marivic Atienza ang dating city accountant ng Meycauyan.
Inamin pa ni Reyes na inaabutan siya ng pera ni Atienza ng kanyang magawan ng paraan na mailabas ang naturang halaga para sa cheke.
Ayon pa kay Reyes, nagsisisi siya sa kaniyang nagawa sapagkat dahil dito ay nasibak siya sa kanyang posisyon sa bangko at ngayoy nahaharap pa siya sa kaso.