NGO: Mababang presyo ng abono di magtatagal

    479
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY—Ang pagbaba ng presyo ng abono kasabay ng pagbagsak ng presyo ng krudo sa pandaigdigang kalakalan ay hindi maituturing na pangmatagalang solusyon sa nakaambang krisis sa bigas dulot ng “global financial crisis”.

    Ito ang pahayag ni Efren Moncupa, lead convenor ng Go Organic! Philippines sa isang interview ng Punto kahapon. Aniya, sa muling pagtaas ng presyo ng krudo, tiyak na muli na namang tataas ang presyo ng abono at iba pang petro-chemical based farm inputs gaya ng pamatay-peste.          

    “Oil is a political commodity, and therefore unstable.  The price is dependent on many factors, other than the supply and demand.  There’s no assurance that fertilizer prices will remain low forever,” ani Moncupa.

    Sa kabilang banda, ang organic farming ay maituturing na pangmatagalang solusyon sa problemang dulot ng sobrang paggamit ng nakalalasong kemikal sa abono at pestisidyo, ani Moncupa.

    “Organic farming cures all the ills brought about by excessive use of fertilizer and pesticides,” aniya.  

    Ang Go Organic! Philippines sa pangunguna ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) at the La Liga Policy Institute (La Liga), ay nangunguna sa pagpapatupad ng Phase I ng Organic FIELDS Support Program (OPSF) sa pakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture at Bureau of Soils and Water Management (BSWM).  Ang Go Organic! Philippines ay masinsinang nagsusulong ng organic farming o pagsasaka gamit ang mga natural na pamamaaran.

    Ang FIELDS o Fertilizer, Irrigation at iba pang rural infrastructure gaya ng farm-to-market roads, education and extension work, loans, dryers at ibang post-harvest facilities, at SEEDS ay ang mga pangunahing programa na isinusulong ng DA upang makamit ang rice self-sufficiency target ng bansa.

    Ang pahayag ni Moncupa ay reaksyon sa balita na patuloy ang pagbagsak ng presyo ng abono na ngayon ay mas mababa pa sa presyo nito bago ang petsang September 2008.  Ayon sa DA, ito ay ayon na rin sa pagbagsak ng presyo ng krudo sa pandaigdigang kalakalan.
    Ayon sa balita, bumaba ng 31 porsiyento hanggang 53 porsiyento ang presyo ng abono.

    “The good news is that for this cropping season, farmers will spend less because the prices are low.  But what if the prices start shooting up again?” ani Moncupa.          

    Sinabi ni Moncupa na nang palitan ng magsasaka ang pamamaraan nito na dumedepende lamang sa petrochemical-based fertilizer at isulong ang mas mainam na organic rice farming na nagbibigay ng pagkakataong magkaroon ng dagdag na kita ang magsasaka sa pamamagitan ng paggawa ng organikong abono na ngayon ay may malaking demand.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here