MALOLOS CITY—Nakabalik na sa trabaho ang mahigit sa 300 manggagawang Bulakenyo na sumailalim sa forced leave mula noong Disyembre, ayon sa mataas na opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Efren Reyes, ang provincial director ng DOLE sa Bulacan, umabot na sa kabuuang 331 ang mga manggagawang Bulakenyo na nagsisipagtrabaho sa iba-ibang pabrika sa lalawigan ang nakabalik sa trabaho.
Sinabi ni Reyes, umaabot na lamang sa 56 ang 219 manggagawa ng Indo-Phil Textile Mills sa bayan ng Marilao ang nasa ilalim ng force leave.
“Makababalik na daw sa trabaho yung natitirang 56 worker by March,” ani Reyes ng makapanayam sa telepono kahapon.
Idinagdag na pa niya na 150 manggagawa naman ng Manila Luggage na nakabase din sa Marilao ang nakabalik sa trabaho.
Sa bayan ng Norzagaray, sinabi ni Reyes na 18 manggagawa ng Republic Cement ang nagbalik na sa trabaho, samantalang 50 ang natuluyang ma-retrench.
Una rito, nagpahayag ng pag-asa si Reyes na hindi masyadong maapektuhan ang Bulacan ng kasalukuyang global recession na naging sanhi upang mawalan ng trabaho ang libo-libong manggagawa sa mga electronics and semi-conductors manufacturing companies.
“I’m optimistic for Bulacan dahil madalang ang export-oriented companies dito,” aniya.
Noong nakaraang linggo, iniulat ni Reyes na halos 300 manggagawa sa Bulacan ang natanggal sa trabaho, samantalang daan-daan pa ang nasa ilalim ng forced leave, job rotation at reduced work week.
Positibo rin ang pananaw na ipinahayag ni Rhine Aldana, ang provincial director ng Department of Trade and Industry (DTI) sa lalawigan hinggil sa magiging kalagayan ng ekonomiya ng Bulacan sa taong ito.
Ito ay dahil na rin sa mga micro, small, medium enterprises (MSMEs) sa Bulacan na umaabot sa bilang 30,000 kaya’t ang Bulacan ang itinuturing na SME capital ng Gitnang Luzon.
“Mapalad ang Bulacan, hindi tayo masyadong apektado dahil ang tinamaan ay mga exporters at malalaking companies,” ani Aldana.
Sinabi rin ni Aldana na ang mga sector na apektado ng krisis ay ang mga nasa real estate, furniture, cars, stock exchange at luxury businesses.
Batay naman tala ng DTI, umabot sa P9.43 bilyon ang pumasok na puhunan sa Bulacan noong 2008 kumpara sa P9.34 bilyon na naitala noong 2007.
Ang mga puhunang ito ay nagbukas naman ng kabuuang 44,013 trabaho noong 2008, at kabuuang 40,348 trabaho noong 2007.