Obet: Uupo akong muli bilang gobernador

    440
    0
    SHARE
    CALUMPIT, Bulacan—Malaki ang posibilidad na mabalik sa puwesto si dating Bulacan Governor Roberto Pagdanganan, ngunit ipinagkibit balikat lamang ito ni incumbent Governor Joselito Mendoza.

    Ayon kay Pagdanganan tapos na ang pagbilang sa mga balota mula sa 10 bayang kanyang iprinotesta matapos ang 2007 elections kung kailan ay tinalo siya ni Mendoza na isang dating kapitan ng barangay.

    “Officially, nag-withdraw na ng counter protest yung kampo ni Jonjon (Gov. Joselito “Jon-jon” Mendoza), at lumamang ako ng almost 80,000 votes,” ani ng dating gobernador.

    Sinabi rin ni Pagdanganan na maging sa counter protest na isinampa ni Mendoza, ay siya pa rin ang lumamang.

    “They are now buying time through dilatory tactics,” ani Pagdanganan patungkol kay Mendoza na nagsampa ng pitong mosyon sa Comelec noong Disyembre.

    Kabilang sa mga mosyon na isinampa ni Mendoza ay ang amended motion for reconsideration, motion for corrections of final reports and revision reports of revision committees, motion to require revision committee to reflect particular municipality and city of precincts enumerated in final reports,  motion for clarification of the period for the pre-marking of protestees documentary exhibits, at iba pa.

    “It’s only a matter of time dahil sa lahat ng ebidensya ako ang panalo,” sabi ni Pagdanganan.

    Nang tanungin kung kailan ang pinakamalapit na panahon para siya muling maupo, sinabi ni Pagdanganan na “baka sa Marso.”

    Patungkol naman sa bar examination na kanyang pinagsulitan noong nakaraang taon, sinabi ni Pagdnaganan na “sa March na resulta, but I wish mas mauna yung sa result ng protesta ko sa Comelec because I want to become a governor again, before becoming a lawyer.”

    Ipinagkibit balikat naman ni Mendoza ang pahayag ni Pagdanganan na mauupo nang muli sa puwesto.

    “Panay ang balita niya uupo na siya, pero kailan ba talaga, kasi sabi niya November, tapos naging December, tapos January daw,” ani Mendoza.

    Nagbiro pa ang incumbent governor na inuuwi niya sa bahay ang kanyang silya tuwing gabi.

    Ngunit sinagot naman ni Pagdanganan ang birong ito na, “sa kanya na yung silya na iyon dahil ido-donate ko pa iyon sa kanya paglabas ng desisyon ng Comelec.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here