MALOLOS CITY ——Inilunsad ng Bulacan PNP ang programang “Takbo laban sa Krimen” kasama ang mga local government units, non-government organizations at mga mamamahayag sa lalawigan upang paigtingin ang kampanya sa pagsugpo sa kriminalidad.
Ayon kay Supt. Allen Bantolo, OIC-provincial director ng Bulacan PNP, kanilang ibababa sa bawat presinto ng 21 bayan at tatlong lungsod sa lalawigan ang minimum of 2-kilometer run bilang public awareness upang mabawasan ang krimen.
Matatandaang lumabas sa ulat ng Regional Police Office 3 na noong 2008 ang lalawigan ng Bulacan ang may naitalang pinakamataas na crime volume sa buong rehiyon na umabot sa 968.
Ayon pa sa datos, mas mataas ito kumpara noong 2007 na may naitalang crime volume na 922.
Ayon kay Bantolo, positibo ang kanyang pananaw sa lumabas na ulat mula sa Camp Olivas hinggil sa mataas na crime volume at hindi dapat ikabahala ng mga mamamayan sapagkat nagpapakita lamang ito ng maayos na sistema ng pagtatala ng anumang uri ng kriminalidad sa Bulacan.
Ani Bantolo ang malaking populasyon sa Bulacan at pagiging malapit nito sa kalakhang Maynila ay may malaking epekto sa pagtaas ng crime volume.
Ipinaliwanag ni Bantolo na mataas naman ang kanilang efficiency sa pagresulba ng mga kaso sa lalawigan bagamat hindi umano maaring isiwalat sa media ang mga detalye pa nito.
Ayon kay Bantolo, ang “Takbo Laban sa Krimen” ay isang paraan upang mahikayat ang mamamayan na makipagtulungan sa pulisya upang mapababa ang kriminalidad sa lalawigan.
Ngunit sa pagpasok pa lamang ng taong 2009 ay dalawang malaking krimen ang gumulantang sa lalawigan tulad ng insidente ng pagpatay sa magkasintahang Catherine Esteban at Jayson Hernandez sa Meycauyan at pagpaslang sa maglolang Cristina De Jesus at Carla Bernabe habang nasa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Bulakan, Bulacan.
Samantalang ang ilan naman sa mga naging biktima ng pamamaslang sa Bulacan noong nakaraang taon ay sina ex-Calumpit Mayor Ramon Pagdanganan noong Mayo 4; Inhinyero Constantino Pascual ng Rosemoor Mining and Development Corporation noong Hunyo 8; ex-Apalit Mayor Tirso Lacanilao na pinaslang sa bayan ng Calumpit noong Hulyo 31; Konsehal Fidel Nacion ng San Rafael at masaker sa pamilya ni Teofilo Mojica ng San Jose Del Monte City noong Setyembre 9.