Ang mga tumanggap ng Medalya ng Kagalingan ay sina Chief Inspector Ariel Quilang; SPO1 Joel Maranion atPO1 Aries Galeste Sr, mga kagawad ng Tarlac Police Provincial Office (TPPO) na nakatutop sa Igorot/Bonet Gang at sa mga kasapi ng Bumatay Group noong Disyembre 21 sa Sitio Barangay Baculong, Victoria, Tarlac kung saan ay walong suspek ang napatay.
Tinanggap naman nina Senior Supt., Fernando Villanueva, hepe ng Highway Patrol Group 3 (HPG3), Supt. Ronald Hipolito at SPO4 Jerry Villamayor ng mga kagawad din ng HPG3 ang Medalya ng Kasanayan dahil sa kanilang natatanging paglilingkod na nagresulta sa pagkaka-rekober sa isang Toyota Fortuner, isang Nissan Frontier; isang Ford Expedition at pagkaka-aresto sa dalawang suspek.
Tumanggap din ng Medalya ng kasanayan sina PO3 Ma. Catalina Manarang, Carmelita Pineda at Jefferson Zacarias na lahat at nasa ilalim ng Office of the Regional Comptrollership Division (ORCD) kasama ang kanilang hepe na si Senior Supt. Richard Albano dahil sa kanilang “exemplary efficiency, loyalty and devotion to duty as personnel of ORCD” kaya ang ORCD ay tinanghal na numero uno sa comptrollership rating.
Ayon kay Chief Supt. Leon Nilo Dela Cruz, ang regional PNP director sa Gitnang Luzon, maituturing na modelo ang mga pulis na tumanngap ng parangal at nagpapatunay lamang ito na hindi lahat ng pulis ay corrupt.
Nagpahayag naman ng suporta si Tarlac Gov. Victor Yap sa kapulisan sa kanyang mensahe bilang panauhing pandangal.
Ani Yap: “In order to achieve sustainable and economic progress, peace and order must be given top priority concern to achieve our targets.”