103 aso lumahok sa dog show

    407
    0
    SHARE
    BALANGA CITY — Isang allbreed championship dog show ang ginanap nitong Sabado at Linggo sa Vista Mall sa lungsod na ito sa Bataan na nilahukan ng 103 aso mula sa iba’t-ibang bahagi ng Central Luzon at Metro Manila.

    Sponsored ito ng Metro Clark Pampanga Canine Club, Inc. (MCPCCI) at Philippine Canine Club, Inc. (PCCI).

    Ang dog show ay hindi tulad ng karaniwang pagtatanghal na ipinapakita ng mga aso ang talento o pagiging fashionista tulad ng dalawang aso na saglit na numakaw ng pansin sa mga nanonood.

    Ang mga aso na Jack Russell at Dachshund na galing Olongapo City ay nakasuot pa ng sunglasses at nakadamit habang lumalakad na parang karaniwang bata.

    Hindi kabilang ang mga ito sa dog show.

    “Tinitingan ng mga judges ang standard ng bawat asong kalahok. Lahat ng kabuuan ng aso tinitingnan. Confi rmation show based on standard ito kaya tinitingnan kung paano tumayo at tumakbo ang mga aso,” sabi ni Shirley Capilihisan ng PCCI.

    Sinasalat at tinitingnan ng mga judges ang mahahalagang bahagi ng katawan ng mga asong kalahok na may iba-ibang breed at kulay bago patakbuhin.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here