Home Headlines Pamilya ng 3 namatay sa guho sa AC nagsampa ng kasong kriminal...

Pamilya ng 3 namatay sa guho sa AC nagsampa ng kasong kriminal laban sa may-ari, kontratista 

372
0
SHARE
Si Romel Pastor habang hawak ang kopya ng isinampang kaso. Kuha ni Rommel Ramos

LUNGSOD NG ANGELES – Panibagong kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang isinampa ngayong June 5 ng mga pamilya ng tatlo sa namatay sa gumuhong gusali sa Barangay Balibago laban sa may-ari at knotratista nito.

Ang kaso ay isinampa nina Romel Pastor, kapatid ng namatay na si Renante Pastor, 17, ng Matnog, Sorsogon 17; at Jamaica Samson Angcao, anak ng namatay na mag-asawang sina Elsa Samson Angcao at Joey Pipilio Angcao, ng Barangay Balibago.

Si Pastor ay construction worker sa gumuhong gusali habang ang mag-asawang Angcao ay mga vendor malapit sa gusali.

Ang sinampahan ng kaso ay ang may-ari ng gusali na si Ernest Jackson Lim; ang owner-contractor na si Johnson Cu at mga incorporator ng Golden Years Construction and Steelworks Corp. na sina Johnny Reyes, Joel Cu, Jenny Reyes, at Jefferson Cu.

Kasama din sa mga kinasuhan sina Joel Hoh Young na supervisor, arkitekto at structural engineer at ang site engineer na si Arlou Nondong Ligsanan at iba pa.

Ito na ang ikalawang kaso na isinampa laban sa mga may-ari at contractor ng gusali sa Angeles City Office of the Prosecutors.

Una nang nagsampa ng kaso noong May 28 si Maricel Loto Sapungay, residente ng Prenza 1, Marilao, Bulacan na ina ng biktima na si Mark Lawrence Sapungay.

Samantala, sinisikap pa ng Punto! na kuhanin ang panig ng mga kinasuhan.

Pero nauna nang sinabi noon ni Atty. Nicholai Manguerra, abugado ng Golden Years Construction and Steel Works Corp., na hindi sila makakapag komento sa nasabing mga reklamong isinampa hanggang sa mapadalhan sila ng kopya nito.

Gayunpaman, ang concentration anila ng Golden Years sa ngayon ay ang magbigay ng tulong sa mga nabiktima gaya ng burial, funeral at iba pang financial assistance.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here