1.
Dahil sa matinding init dito sa’ting bansa ngayon marami ang nai-stroke lalo sa may hypertension kahit ilang beses ka pang maligo buong maghapon hindi sapat at ito ay panandaliang sulusyon ang kwarenta sentegrado na tila galing sa pugon hindi kayang pawiin ng kahit ilang bentilador
2.
Mga maykaya sa buhay ay hindi ramdam ang init dahil sila ay mayroong mga aircondition unit di tulad ng mahihirap pamaymay lamang ang gamit kapagdaka’y tumitigil pag ang kamay ay nangawit kahit mayrong electric fan ay madalang ding magamit dahil mahal ang kuryente kaya sila’y nagtitipid
3.
Hindi tulad sa middle east gaya sa Saudi Arabia at karatig nating bansa na sakop ng southeast asia ang bayarin sa kuryente hindi nila iniinda bukod sa de-kalidad ay talagang napakamura di tulad sa bansa natin na mataas ang halaga dahil na rin sa kumpanyang mga mapagsamantala
4.
kahit gabi ay mainit at mahirap makatulog kung pamaymay lang ang gamit papapakin ka ng lamok sa mainit na panahon ang kulambo’y di na angkop at matinding alinsangan lamang ang maidudulot kung katol ang gagamitin malalanghap mo ang usok at maari pang pagmulan kung minsan ng pagkasunog
5.
Kaya sa panahon ngayon na ang kuryente ay mahal kahit ang nasa middle class rin naman ay umaangal kahit sila ay may aircon napakadalang sindihan nagtitiyaga sa mainit na buga ng electric fan e ang mga mahihirap na salat sa kabuhayan, titiisin na lamang ang init na nararamdaman?
6.
Tila ang may karapatan na mabuhay ng payapa
ay ang mga pulitikong sa pondo’y nagpakasasa
ang init ng panahon sa kanila’y balewala hindi ramdam sa loob ng mansiyon nilang magagara
na ang iba’y inaagaw pa ang lupa ng may lupa
nitong mga magsasakang bayani raw nitong bansa
7.
Mainit na ang panahon mainit pa sa senado
sa walang sawang bangayan nitong mga pulitiko imbes asikasuhin ang problema sa Meralco ay inuuna pa nila ang isyu sa liderato wika ni John F. Kennedy ang katapatan sa tao magsisimula pag tinapos katapatan sa partido



