Home Headlines Foliar fertilizer walang taas-presyo sa gitna ng krisis

Foliar fertilizer walang taas-presyo sa gitna ng krisis

335
0
SHARE
Philippine Fertilizer Manufacturers’ Association, Inc. spokesperson Franklin Luna. Kuha ni Armand Galang

LUNGSOD NG CABANATUAN – Ipinahayag ng samahan ng mga gumagawa ng foliar fertilizer na hindi sila magtataas ng presyo sa kabila ng pagsipa ng gastos sa produksyon dulot ng pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo.
Ayon sa Philippine Fertilizer Manufacturers’ Association, Inc. (PFMA) nais nila na maging abot-kaya pa rin para sa mga magsasaka ang produkto ngayong sumisirit ang halaga ng halos lahat ng input o gamit sa produksiyon ng pagkain, maging palay man o gulay.

“Dahil po sa gusto naming makatulong sa farmers ngayon, ang amin pong asosasyon ay nagpasiya na hindi kami magtataas (ng presyo) bagkus nagbigay pa kami ng promo,” ani Franklin Luna, spokesperson ng asosasyon matapos ang kanilang general assembly na ginanap sa lungsod na ito kamakailan.

Dumalo sa aktibidad ang ilang opisyal ng Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) Central Luzon office mula sa Pampanga.

Ipinaliwanag ni Luna na ang foliar, ginagamit sa pananim katuwang ang komersiyal na abono, ay nakapagpapataas ng ani at nagbabalik sa mabuting kalidad ng lupa.

“Ang potassium kasi ay flower inducer which is hindi po available sa synthetic fertilizers kailangan natin ng booster,” ani Luna.

Kaugnay nito ay isinusulong ng PFMA ang Balanced Fertilization Strategy (BFS) Program na ilan taon na ring inilunsad ng Department Agriculture subalit nangangailangan ng dagdag na diin, aniya.

“Kami po mga legal manufacturer ng foliar fertilizer na makakatulong at tested and proven alam po ng mga taga-FPA ‘yun, alam po ng taga- Department of Agriculture,” dagdag ni Luna.

Ang paggamit ng foliar, anjya, ay isa ring tugon sa pangarap na kasapatan sa pagkain ng bansa dahil pinatataas, aniya, nito ang ani.

Sinabi naman ni PFMA vice president Felix Eugenio na panganahing layunin ng kanilang asosasyon ang pagtulong sa mga magsasaka. “To improve the soil’s health and plant nutrition. Ito kasi ang nakikita namin to increase ‘yung yield ng mga magsasaka.”

Bukod kina Eugenio at Luna, kabilang sa mga opisyal ng PFMA na nanguna sa general assembly ay sina president Bernard Borja, secretary Ruel Ganareal, treasurer Lucio Catilod, Jr., auditor Celso Catabona, at chief technology officer, Dr. Fernan Fiegalan.

Ang asosasyon na nakabase sa Central Luzon ay may kasapian sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here