Home Headlines Bagong solar-powered irrigation patutubigan ang 150 ektaryang palayan 

Bagong solar-powered irrigation patutubigan ang 150 ektaryang palayan 

628
0
SHARE

TALAVERA, Nueva Ecija – Tinatayang 128 magsasaka na kasapi ng irrigators’ associations (IAs) mula sa mga bayan ng Gen. Mariano Llanera at Gen. Mamerto Natividad ang nakatakdang makinabang sa limang bagong solar-powered irrigation pump projects na ipinagkaloob ng National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS) kamakailan.

Batay sa ulat ng NIA-UPRIIS, ang turnover ng naturang mga proyekto sa mga grupo ng mga magsasaka ay matagumpay na isinakatuparan ng NIA-UPRIIS Division II na pinamumunuan ni acting division manager Engr. Marvin C. Bustamante.

“These projects are designed to provide a reliable and cost-efficient water supply by harnessing renewable solar energy to power irrigation systems,” ayon sa ahensiya.

Dahil sa inobasyon ay nababawasan umano ang labis na pagsandig sa tradisyunal na pinaggagalingan ng panggatong (fuel) at nababawasan ang operational costs sa patubig o irigasyon. Nasa 150 ektarya ang masiserbisyuhan ng bagong proyekto, ayon pa sa NIA UPRIIS.

Kabilang sa IAs na dumalo na kinatawan ng kani-kanilang pangulo ang Cagomca IA, Casminalun IA, Murcon IA, Tilapatio Gulod IA, at Bonifrangovic IA.

“The event highlights the agency’s strong commitment to modernizing agriculture through innovative and sustainable solutions. With full operations now entrusted to the IAs, these solar-powered irrigation projects serve as a model for future development initiatives aimed at empowering farmers and promoting long-term agricultural growth,” dagdag ng NIA-UPRIIS.

Matatagpuan ang mga proyekto sa Barangay Gomez na may dalawa, tig-isa sa  Barangay Casile at Murcon, pawang sa bayan ng Llanera, at isa sa  Barangay Burol,  Natividad.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here