Home Headlines DOH emergency tent hospital sa evacuation center sa mga naapektuhan ng usok...

DOH emergency tent hospital sa evacuation center sa mga naapektuhan ng usok mula Navotas landfill

201
0
SHARE
Ang emergency tent hospital at nakatalagang medical team ng DOH-JBLMGH. Kuha ni Rommel Ramos

OBANDO, Bulacan —- Naglagay ng emergency tent hospital nitong Abril 22 ang Department of Health para sa mga evacuees na nasa Obando National High School na mga apektado ng patuloy na pag-usok na nagmumula sa Navotas landfill.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Obando, ang mga medical staff mula sa Department of Health – Jose B. Lingad Memorial General Hospital (DOH-JBLMGH) ang inatasang magtayo ng emergency tent hospital sa nasabing evacuation center upang magbigay ng kaukulang medical attention para sa lumalaking bilang ng mga evacuees na nakararanas ng pagkakasakit dahil sa paglanghap ng usok na nagmumula sa nasusunog na inabandunang landfill.

Ayon sa DOH-JBLMG, 24 oras na may operasyon ang nasabing emergency tent hospital na may anim na doktor na kabilang ang pediatrician, emergency medicine, internal medicine, ophthalmology, toxicology, at family medicine.

Mayroon din apat na nurse, isang midwife, isang pharmacist at isang medtech.

May mga kaukulang gamot at kagamitan ang nasabing tent hospital para sa agarang pagtugon sa mga pasyente na naroon.

Ang nasabing emergency tent hospital ay mananatili sa Obando hanggat may pangangailangan ng agarang medical attention sa mga apektado ng usok mula sa landfill. Bago ang paglalagay nito, marami na sa mga evacuee ang nagrereklamo ng mga karamdaman dahil sa paglanghap ng usok.

Matatandaan na walo na ang naunang isinugod sa pagamutan at isa na ang namatay matapos mahirapan na huminga na ang posibleng dahilan ay ang pagkakalanghap ng nakalalasong usok.

Ayon naman sa ulat ng Obando municipal social welfare and development office, 150 pamilya o 431 na indibidwal ang kasalukuyang nakasilong sa evacuation center na mula sa mga barangay ng Salambao at Binuangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here