Itim na Poong Nazareno dinumog sa Bataan

    326
    0
    SHARE

    BALANGA City – Dinumog ng maraming deboto ang Itim na Poong Nazareno sa St. Joseph  Cathedral sa lungsod na  ito Biyernes ng gabi.

    Umaapaw hanggang labas  ng malaking simbahan  ang dumalo sa isang banal na Misa.Hindi pa tapos ang Misa ay marami nang lumalapitsa itim na imahen na  nasa isang sulok malapit sa  altar. Humahawak, nagpupunas  ng panyo, humahalik  sa imahen ang mga deboto.

    Tinatayang mahigit dalawang  libong tao ang dumalo sa isaat lumahok hanggang sa prusisyon na dumaansa commercial district  ng lungsod pasado alas-7 ng  gabi.

    Habang patuloy ang mahabang  prusisyon, naghahagis si Jimmy Mangalindan sa  mga tao ng mga tuwalyitang ipinunas  sa itim na poon.

    Ayon kay Mangalindan  na isang radio broadcaster,limang taon nang ginagawa ang Misa at    prusisyon sa  Balanga City upang magkaroon  ng pagkakataon ang  mga debotong hindi makakapunta sa Quiapo,    Manila  na ipadama ang kanilang  debosyon sa Itim na Poong  Nazareno.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here