Home Headlines 143 pares na magsing-irog sumama sa kasalang bayan 

143 pares na magsing-irog sumama sa kasalang bayan 

184
0
SHARE

SUBIC, Zambales – Nasa 143 pares ng magsing-irog ang ikinasal sa Kasalang Bayan 2026 ng pamahalaang bayan na ginanap sa Subic Sports Complex bilang bahagi ng pagdiriwang sa Araw ng mga Puso.


Ang kasalan ay pinangunahan ni Mayor Jon Khonghun at mga kinatawan mula sa population commission, local civil registry, municipal social welfare and development office, at rural health unit.
Kabilang sa mga ikinasal ang may 36 na taon ng nagsasama at ang pinakamatandang nagpakasal ay nasa edad na 73 taong gulang na.


Ayon kay Ma. Lourdes Pangilinan, local civil registrar ng Subic, bago ang kasal ay sumailalim naman sa mandatory seminar ng pre-marriage orientation at counseling ang mag-asawa.


Tinalakay sa seminar ang mga paksa kaugnay ng family planning at responsible parenthood, pagpapatibay ng ugnayan ng mag-asawa, pagharap sa mga hamon sa pagsasama, at kalusugan partikular sa pregnancy at child care.


Ayon naman kay Dulce Dionisio, supervising statistical specialist ng Philippine Statistics Authority-Zambales, bumaba na ang mga bilang ng mga nagpakasal sa 14.7% mula 2024 at sa taong 2025 nitong March at October.


Ayon kay Dionisio ang mga hindi nagpapakasal ay labis na naapektuhan ng economic pressure, shift collaboration, economic independence of women at ang absence of divorce na isa sa pangunahing dahilan ng hindi nila pagpapakasal.


Ayon naman kay Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun ang kasal ay may kaakibat na triangle, nandyan ang lalake, babae, at panginoon at samahan ng dasal at laging magmahalan sa isat-isa.
Bilang regalo nagbigay ng P4,000 si Congressman Khonghun sa mga ikinasal na nagsasama ng 36 na taon, ganun din sa pinakamatandang nagpakasal. Kuha ni Jonny Reblando

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here