Home Opinion Sa recount sa San Fernando, mayroon kayang pagbabago?

Sa recount sa San Fernando, mayroon kayang pagbabago?

162
0
SHARE

1
Sa PAMULING BILANGAN ay malalaman nating lahat kung sa halalang nagdaan ay may dayaang NAGANAP ang grupo pa rin kaya ni mayora VILMA CALUAG?
ang mananalo oras na matapos ang MANUAL RECOUNT?  o ang dating 2nd district board member MYLYN P. CAYABYAB pati na ang KA-GRUPO niya sa halalang nakalipas
2.
Mga VOTE COUNTING MACHINE na ginagamit sa halalan kung ang magiging resulta ng MANU-MANONG bilangan ay mayroong pagbabago dapat lang na PAGDUDAHAN na ito ay nagagamit sa malawakang DAYAAN kung tulad  rin ng dati ang magiging KALALABASAN INTEGRIDAD ng COMELEC ay hindi madudungisan
3.
MANUAL RECOUNT kadalasa’y bunga ng pagkadismaya ng natalong kandidato na mayroong PAGDUDUDA kung hindi KATANGGAP-TANGGAP ang lumabas na resulta sila ay may KARAPATAN na maghain ng protesta mayron namang PANUNTUNAN na siyang sinusunod nila na tinakda ng KOMISYON upang paunlakan sila
4.
Lalo na kung may nakitang mga IREGULARIDAD na BATAYAN ng protesta sa halalang nakalipas pakikinggan ng komisyon ang ganitong klaseng ULAT na siyang magbibigay daan sa hinihiling na RECOUNT
ito ay hindi usapin ng impluwensiya at LAKAS
kung hindi ng karapatan na naaayon sa BATAS
5.
Sakali, di MAGBAGO at resulta ay ganon pa rin na grupo ni mayora ang PANALO sa manual counting ito’y magiging patunay na ang mga PCOS machine na gamit ng COMELEC ay di pwedeng manipulahin at malinaw ang MENSAHE na nais na iparating
na sinomang KANDIDATO ay hindi maaring dayain
6.
Paano kung sa bilangan na ginawang manu-mano? ay si MYLYN P. CAYABYAB ang lumitaw na panalo? ano kaya ang magiging REAKSIYON ng mga tao lalong-lalo na sa hanay nitong mga FERNANDINO maging ang kredibilidad ng COMELEC San Fernando
maaring pagdududahan ng mamamayang PILIPINO
7.
HINTAYIN na lang natin kung anong magiging resulta ng manu-manong bilangang ISINASAGAWA nila laging maging MAHINAHON at iwasan muna sana ang BANGAYAN at pati na maanghang na PATUTSADA wag masyadong paapekto sa magulong PULITIKA lalo na sa mga taong kanilang TAGA-SUPORTA ..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here