Ibong dayo dagsa na naman sa tabi ng hi-way

    326
    0
    SHARE

    BALANGA CITY – Dagsa na naman nitong Huwebes ang mga ibong dayong puti na may malalaki, karaniwang laki at maliliit sa pinatuyong palaisdaan sa tabi ng MacArthur Highway sa pagitan ng Samal at Abucay, dalawang bayan sa Bataan.

    Huling nakita ang mga ibong egret sa bahaging ito ng palaisdaan na may malalim na tubig pa noong Disyembre 29. Lumipat ang mga ito sa ibang palaisdaan sa Balanga City at muling bumalik sa pinatuyo ng
    palaisdaan.

    Hindi alintana ng mga ibon ang malakas na ugong ng makina at tunog ng busina ng mga nagsasalimbayang sasakyan. Ang ilan ay lilipad lamang saglit at muling babalik sa panginginain. Ayon kay Mila Ramirez, hepe ng Protected Areas Wildlife & Coastal Zone Management ng Provincial Environment and Natural Resources
    Offi ce, tatlong klase ng egret ang makikita sa palaisdaan – large, intermediate at little egret.

    “Umaalis sa China and as far as Northern Hemisphere ang mga ibon para makaiwas sa taglamig o winter season,” sabi ni Ramirez. Ang Pilipinas umano ay bahagi ng tinatawag na Asian Flyway. “Kapag taglamig, dito nagpupunta ang mga ibon para dito mag-istasyon, manginain at magpalakas bilang paghahanda sa breeding season pagbalik ng mga ito sa kanilang bansa,” paliwanag ni Ramirez.

    Dumarating, aniya, sa Bataan ang mga ibon late September o simula ng winter season at nananatili rito hanggang Pebrero na ang iba ay inaabot pa ng Marso. “Muling bumabalik ang mga ito sa China, Northern
    Hemisphere at ang iba ay tumutuloypa ng Australia at New Zealand,” sabi ni Ramirez.

    Bukod sa egret, dumarating rin, aniya, sa Bataan ang mga ibong black winged stilt, plovers, terns, sandpipers at iba pa. “Sa aking personal na opinion, sa layo ng nililipad ng mga ibon, kung may dala man silang virus o bird flu, hindi na makakaabot sa Pilipinas.

    Pero bilang pag-iingat, mabuti na ring huwag lapitan o hawakan ang mga ito,” sagot ni Ramirez sa tanong kung may posibilidad bang may dalang bird flu ang mga dayong ibon. Sinabi ng wildlife officer na may nakatakdang water bird census sa Wetland Park sa Balanga City sa Enero 18, 2014.

    Ito, aniya, ay taunang ginagawa sa ibat-ibang lugar sa bansa na pinupuntahan ng mga dayong ibon. Ginagawa ang taunang census sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources sa tulong ng City Government of Balanga at Wild Birds Club of the Philippines.

    “Noong Enero 13, 2013, nakabilang sa Balanga City ng mahigit 25,000 ibon sa isang araw at inaasahang ganon din kararami ang makikita o mas higit pa ngayong taon na ito,” sabi ni Ramirez.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here